Di pa ako tapos sa ginagawa ko ngayong madaling araw. para saan naman ito project na ito? syempre para naman ma iimprove pa yung support system namin.
may tool akong ipapaimplement at syempre kaakibat nito yung process at policy kung paano gamitin...ang saya nga eh..nag eenjoy ako habang ginagawa ko sya at sinisimulate yung tools..ang ganda, nakaintegrate nadin kasi sya sa aming messagign system. pero sure ako..mamaya kasi mag coconduct din ako ng training sa mga tao dito sa opis kung paano gamitin yung system. (sana wag akong umagahin sa pag gawa ng presentation)..unless may mabibilhan ako ng pandesal..pwede din pala.
kanina nag kausap kami ng isang classmate ko nung college. una usapan eh technical pa yung topic.
tapos mamaya napagusapan na yung "aming Alma mater" AdU. nauwi kami sa usapang mission at vision..patay..balik tanaw ito.
Naalala ko tuloy yung mga katagang "mature Christian, competent professional, and responsible leaders. nugn college ako. napagusapan namin ito kasi dahil sa blog ni "tamangkulit". meron kasing naidusscus dun o naiwang tanong sa isang ni post nyang article na "Adamson, if you're reading my blog, are you proud of your alumni?"
yung tinanong ko nga yung classmate ko..sabi nya..OO naman daw kung sya tatanungin at sasagot para sa sarili nya. pero mukha namang tama sya sa sagot nya...sabi nya nga eh..
"well, competent naman ako...
responsible citizen...
tumtawid ako sa tamang tawiran and di nagtatapon ng basura sa kalsada...
di rin ako umiihi sa tabi tabi...
and matured christian...
well, oo syempre...
priority ko yan sa lahat."
saludo ako sa iyo pre.
pero syempre..lahat ng mga bagay na ginagawa natin tayo ang pumipili...nasasabihan o napupulaan lang naman tayo kung gaano kalaki ang ating BAYAG base sa desisyong ginawa natin...pwede kang maging masama o mabuti..(nasisilaw kasi yugn isa sa konti pilak o barya ikakatwa na yung mga mahahalagang bagay)....parang si HUDAS.
pwede kang mag kamali..pero matuto..
pwede ka ding mag kamali...at magkamali ng magkamali...(tapos praise the lord pag linggo)..tapos gawa ulit ng mali at katarantaduhan pag patak ng lunes..hanggang sabado..tsk tsk tsk.
sa tao na iyon...sa choice mo kung paano magiging PROUD sa iyo di lang almamater mo...kundi mga kasama mo. mga nagpapahalaga sa iyo.
ay nga pala..since ang TITLE ko eh "conspiracy" eto lang kasi yung nais ko din iwang mensahe sa madaling araw na ito.
na miss ko lang yung tambayan namin sa visayas tagal na din kasing di ako nagagawi dun at nakakasama ang mga kaibigang musikero medyo naipit ako lately sa mga projects.
tapos gamitin ko na din itong pagkakataon na ito..kasi may sinusulat akong "MAIKSING KWENTO...nakaka isang chapter na ako. tungkol ito sa kwento nila PEDRO,JUAN,BENTOT at KENKYOY.. mga dating mag kakaibigan na nakawalay walay dahil sa kanilang mga pagkakaiba...paniniwala at kanyan kanyang katangahan sa buhay..naisip kong ipamagat kasi dito sa sinusulat ko na ito ay 'konspirasi". target ko syang matapos next month.
o sya...balik muna ako sa console ko...(CENTOS muna..)
5 comments:
e pano naman ang mga gels... walang bayag... tsaka in fairness kay Hudas ha... kung hindi ginawa ni Hudas yon.. hindi mafufulfill and prophecy ni Hesus (at para bang tila, wala syang choice...kung hindi sya sino?) ang akin lang; nakakaawa ang mga hudas ng ating panahon, kung iisipin nilang kaya nila piniling maging hudas e dahil mga wala silang CHOICES...
tama ka don..at ang malaking pagkakaiba lang ng HUDAS noon at ngayon.
noon: nagpapakamatay ang hudas.
ngayon: ang sarap patayin ng mga hudas. para kasing mga balakubak eh..ang kati sa anit. sarap tuklapin.
impostor ang mga hudas ngayon...nag pi-feeling HESUS.
hay! linux nga lang pag usapan natin.
well may similarities pa rin... kasi yong hudas noon, pagkatapos magpakamatay inuod... yong mga hudas ngayon... hindi pa man patay, inuuod na rin...
gumagapang ako sa codes... pero sa maiksing kwento, tiyak, makaka-hitch na ko dyan... peter, john, ben at kinky.
nagluto lang ako ng noodles... nakapost na sa blog ang conversation natin. bilib na ako sa 'yo pre... multi-tasking. good luck sa presentation mo later.
Behold, I send you forth as sheep in the midst of wolves: be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves.
Matthew 10:16.
God Bless and more power!
Post a Comment