Sunday, August 19, 2007

Ang sa akin lang: Sa South Express

Ngayon nalang ulit ako nakadaan sa south expressway kasi nga kailangan pumunta sa batangas may mahalang kailangan gawin (di ko pa maikwento sa parteng ito).

Anyway balik south express way…grabe yung daan napakapangit bitak bitak na kalsada na parang nasa ibang planeta ka. Pag pasok palang sa labang ..sa flyover magagalit ka na. Di ko tuloy alam kung saan napupunta yung bayad sa sambayanan sa tol at mga buwis na binabayaran namin. Sa madaling sabi..mapapa-SHET! Ka. Uubusin yung oras mo sa trapik (buti nalang lingo kami bumiyahe) kung araw siguro ng pasukan sa opisina….sobrang patay yung oras mo. Ang masakit pa habang kami at bumibiyahe sinasabayan pa kami ng malakas na ULAN.

Nakakapuna na nga ako eh..bakit kaya kailangang isabay ang mga proyektong kalsada sa panahon ng tagulan? Kayo alam nyo sagot? Proyekto? O pakitang gilas? Kung ano man twag don sigurado akong baluktot ang kabuhulan at di nakakatulong sa katulad kong mamayang at biyahero.

HAY! kaya ako..kami..balik "Badminton" nalang. SPORTS NAMAN kaysa naman puro problemang lipunan. katuwa nga yugn huling badminton ng 8layer Team.
parang nag papractice lang. pagtapos na pagtapos nga ng laro eh lahat nagsakitan ang mga singit singitan. kaya dapat regular talaga ang paglalaro.

Salamat kay Jaja ,Roz at Nilda sa inyong pagpeprepara para sa ating munting libangan na ito.
natuwa ako sa ating mga bagong raketa. kaya lagn practice pa kayo..nilalampaso kayo ni Deng.

Sana Next time ibang company naman yugn kalaban namin para makita nila yung mga "8liens" in action.

ano ba ang 8liens? <--eto ang tawag sa iyo pag taga 8layer ka.



1 comment:

Anthony said...
This comment has been removed by the author.