Friday, August 10, 2007

Sa hirap at ginhawa

Dapat magkaroon ng konting celebration!

grabe ilang araw narin kaming umuuwi ng umaga dahil sa mga work at projects.
si "Pangkal" nga may sarili ng higaan sa office..kainggit..hehehe! ang sarap ng feeling pag natatapos mo yung gawa mo tapos may mga kasabayan ka pa sa work na nageenejoy sa paggawa ng projects.

pero hindi lang iyon ang mahalaga, ang masarap sa pag gawa ng mga projects. eh natapos mo yung listahan mo ng hindi minadali..minabasta basta at hindi hilaw. tapos masaya ka kasi talagang pinaghirapan at pinagpuyatan mo..hindi yung "alas sais na" UWI na ng wala pagn napapatunayan sa sarili...walang pakiaalam sa kapwa kasama....basta sya SOLVE NA! at buo dapat ang sweldo...SABI NGA "sasama tayo sa hirap at ginhawa..hindi ginhawa lang...may mga ganung tao kasi...yung itinataya yung mga output sa salitang "BAHALA NA".

pero ang good news para sa araw na ito, eto natapos yung aming IM Server..mala yahoo messenger para lamang sa 8layer network. ibig sabihin client or mga empleyado ng aming organisasyon ang pwede lamang gumamit..di pwedeng squater. at hindi lang iyon kasabay nito yung pagtapos ng ginagawa nila Erwin na kanta ng Dekada na MSI. blues ito na talagang mahihipo ang iyogn damdamin sa sarap ng saliw at pag ibig na dulot ng kanta. WOW talaga.

sabi nga no Roz kanina sa recording "EH KAILAN PO BA ILALABAS YUNG ALBUM NYO" naadik na ako sa mga kanta.....(sa mga nagtatanong kugn sino si roz..sya yung mangungulit kung may utang kayo sa amin/8layer. hehehe)

Kaya ngayon! celebration..CHEERS! para sa mga taong 8layer at sumusuportang tunay sa grupo.

DAYUHIN NA SI DINDO at maki-JAM!

teka sino si DINDO?

DINDO:

Sya ang saksoponista ng dekada. May GIG kasi sya ngayon at niyayaya nya kami.
sya rin yung bumuli ng sasakyan ni Erwin na hanggang ngayon eh di pa nag nanatransform sa pagiging robot nya.


pasasalamat ngayong araw:
Roz at Nhilda salamat sa pagtulong nyo sa test ng ating COLLAB solution at IM.
Bheng; sa pagdayo sa aming opisina at pakikidamay kahit malalim na baha at mahabang trapik pa ang humarang.
Jaja at Pangkal; Si Pangkal na nakikipag inuman na ngayon hehehe (nilamangan na kami) at Jaja na nag YM sa amin kanina at nag sabing di sya makakapasok pero habol daw sa inuman. (parang bagay itong magkatuluyan...WALA LANG! hehehehe..tamang the buzz ako dito sa parte na ito ah.)
si Henyo; sa kanyang kadalikalaan sa isang WMS project namin na hindi makakasama ngayon dahil may sakit ang misis nya na nasa batanggas pa.
Clara; na umuwi agad kasi mag hihimas pa ng tyan nya. Peace Ma'am Clara! Next time sama na ako sa presentation mo. para makita mo akong mag present din.

etc...alam nyo na kung sino kayo..malalalaki na kayo.

No comments: