Alas kwatro na...di pa din ako inaatok katatapos ko lang gawin yung mga slides ko para isang training na icoconduct namin tungkol ito sa mga troubleshooting tips ng isang distro ng linux.
tinapos ko na din yung ibang mga emails para sa client namin at mga guide kung paano mapapaganda yung performance ng servers nila.
yung sa isang client namin namin, pinaglaruan ko na din yung configuration ng tomcat (performance enhancement) tapos eto'y tulad ng promise ko..medyo nagpapaantok ako sa pamamagitan ng pagbasa ng isang libro re:SECURITY.
pero teka? may nag bago ba? wala naman eh..talaga naman sa halos araw araw eh gising ako lagi ng ganitong oras para sa mga ganitong gawain.
eto nga't nadagdagdagan pa yung mga listahan ko ng mga technical na bagay na dapat aralin..tuloy tuloy na aaralin...karirin.. kailangan kasi swabe pag nag offer ka ng mga IT solution. sa ganitong field mahirap ang impostor..marami kasi dyan sa tabi tamang kita ($$$$), tamang yabang lang pero di nakikita yung tunay na kailangan at mga dapat isaalang alang pag nagbibigay ka ng mga solusyon sa client mo. PAGALINGAN! di ang MAGGALINGGALINGAN ang laban na may "praise the lord" na bakasan. totohanan lang.
sa kabilang dako.
binalikan ko kasi kanina yung ilang paborito kong site tulad ng mga sumusunod.
http://www.cioinsight.com/
nagustuhan ko yung article na : "Investing in Emerging Technologies on a Small Budget"
http://www.freesoftwaremagazine.com
issue 19 na sila ang bilis din nung nabasa ko nga yung "Tips and tricks section"
naalala ko bigla yung sysads.org kung saan ang hilig kong mag compile ng mga ganito dati at ishinishare sa mga kapwa ko sysads during that time at mga kasama sa opisina.
mamaya maya pag sikat ng konti ng araw. mag ma Mcdo trip ako.
No comments:
Post a Comment