Tuesday, August 14, 2007

Pananabik

Dalawang tulog nalang birthday na ni Koen Koen ko. may regalo na nga akong nabili para sa kanya pero di ko pa nababalot. sana magustuhan nya yung regalo ko na iyon. bukod sa regalo, naiisip ko din na sa araw ng kanyang pagsilang (oo sa AUGUST 16 yung bertday nya)...ibibigay ko sa sa buong madla yugn final copy ng isang kanta na nasa album na ilalabas namin (sana pumayag yung musical director at arranger namin..tol eriwn..payag ka ha?)...yung kantang "HELE" na ilang beses ko na rin na ikweto dito sa blog ko na ito. bakit ko ibibigay? Gusto ko lang ipahiwatig sa buong madla kung gaano ko ka miss at kamahal yung koen koen ko. na napakasarap at napakagaang ng feeling na i-share yung
nararamdaman mo para iyo minamahal na KOEN. yugn iba nga...pilit na gumagawa ng version ng KOEN nila...pero di makagawa..wawa =)

eto ulit yung lyrics para sa mga nagtatanong.

Hele
Meric

Sa gabing anong tahimik
Hangin ay umiihip
Bituin sa langit
Ngiti ang syang hatid

Buwan na kay rikit
Dumudungaw sa pagidlip
Sa mukha mong maakit
Alay itong himig

Lala..la

Huni sa paligid
Musika ang tinig
Ikaw ang panaginip
galak ang syang batid

Lala..la

Awit ng pag-ibig
Yakapin mo sa bisig
Itaimtim at Ihilig
Damdamin ang Bigkis

Lala..la (3x)

Himbing na.


O tech tips muna:

Kung nag mamanage ka ng mga routers or mga servers at may "telnet service" yung servers na iyon. magandang i enable mo yugn telnet client ng iyong workstation. kung gumagamit ka ng "M$VISTA" you may want to follow these steps.

CLICK:
Start>Control Panel>Programs

tapos i click mo yung 'turm Windows features on and off"
piniilit yung telnet client.

Kung sa DOS command mo naman gusto gawin.

eto naman yung steps

start /w pkgmgr /iu:"TelnetServer"
start /w pkgmgr /iu:"TelnetClient"

kasi sa VISTA ginawa ng optional component yung telnet. para lang ito sa mga gumagamit ng Vista ah. iba parin pag

LINUX yung gamit mo syempre.

[root@r3d3ye ~]# <--ETO YUNG AKING TAMBAYAN

No comments: