Thursday, July 19, 2007

Asterisk CODEC G.729 and G.723.1

Para sa mga nagtatanong paano ba mag install at saan kukuha ng libreng CODEC eto po yung sagot.

eto yung naresearch kong URL kung saan pwedeng idownload yung codec.
http://asterisk.hosting.lv/

notes:
  • Gamitin ang Pentium 4 build fpara sa "Pentium D"
  • Para sa Pentium 3 or Pentium 4 for VIA C3.
  • XEON naman yung para sa mga Pentium3/Pentium4/Core2 na may malaking "cache".
  • wag kalimutang humigop ng kape
Installation process:
  • piliin yung codec binary na appropriate for your Asterisk version and CPU type
    • para malaman yung klase ng CPU ito yung command #cat /proc/cpuinfo
  • tapos punta kayo /usr/lib/asterisk/modules directory
    • kopyahin o idownload dito yung codec_g729/723*.so file na nakuha ninyo.
  • restart Asterisk
    • asterisk -rvvvvvvvvvvvvvv
    • restart now
  • tinangan kung "oks" na yung ginawa ninyo sa pamamagitan ng 'show translation' command sa asterisk console ('core show translation' para sa mga gumagamit ng Asterisk 1.4)

Ito lang po muna!
antok na ako.

http://en.wikipedia.org/wiki/Codec

Tuesday, July 10, 2007

ALIN ang NAIBA?

kuya bodjie: O..sabay sabay mga bata

Alin..alin..alin ang naiba?
isipin kung alin ang naiba?
isiiping mabuti..isipin kung alin?
isipin kung alin ang NAIBA?

kuya bodjie: o mga bata...ALIN ANG NAIBA?








Monday, July 09, 2007

SEP990i (My New Toy)

Katatapos ko ng work..medyo iniintay intay ko nalang yugn resulta ng IMAP project kasi medyo matagal sa dami ng emails na minamigrate kaya medyo ito namang bagong laruan ko yung binubuting ting ko ngayon.

mula kasi ng dumating ito sa akin last week..di ko pa sya talaga na kakalikot ng husto.
medyo natuwa ako ng mapagana ko yung modem nya.

1. ilakkabit lang sa laptop/USB yugn data cable nya..may internet na ako.
2. pwede ding ienable yung bluetooth tapos..coconnect itong laptop ko sa kanya..may internet na ulit.
yung WI-FI nya..swak din..di ko kailangan ng 3G or kung ano man kung gusto kong mag internet..coconnect lang ako sa accesspoint namin tapos..solve na.
3, nagustuhan ko din yung camera/video cam....kahit ba 2Mp lang sya.
kainis nga eh..512MB lang yung memory ko..bale pag nakaipon konti..kuha ako ng malaki laki para masrami akong napipicturan para sa aking mga documentary. (DEKADA at LINUX experience)

4. yung media player nya...3 points sa akin di ko na kailangan ng i-pod para mag play ng mga MP3 ko

5. May recorder din na kasama na malaki ang maitutulong para sa aming mga mitings.

yung mga pilit kong pinapagana pa sa ngayon o inaaral eh ang mga sumusunod.

1. SIP client..para i connect ko sya sa aking asterisk sa office para masarap ang pagdedemo ko sa mga client ko ng asterisk 8Ix namin.
2. console..para nakaka pag SSH ako para iremote yung mga client na naka sign sa amin ng SLA.

ang saya! ...balitaan ko kayo pag napagana ko na..para sa mga "geek" din dyan kung meron kayong alam PM nyo ako or email para di ko na ito tinututukan masyado. hehehe

MS EXCHANGE TO NITIX BLUE (DOMINO)

Medyo napuyat ako kagabi kasi ginawa ko yugn assignment ko.
I migrated yung MS EXCHANGE ng isang client papuntang NITIX BLUE.

Part ng migration ay hindi lang mapalitan yung email system nila kung dapat lahat ng mga emails nila o bawat email ng users nila sa exchange ah mailipat sa nitix blue.

Medyo nagtingin ako ng konti sa internet ng mga tools para gawin ito. May nakita akng windows base na tool na tinatawag na “transcend”…pero ang korni ng tool. Yung nag try ako ng isang account..puro folders lang yung naililipat nila..wala ni isang messages yung na ilipat sa NITIX BLUE. Tsaka ang bagal kasi sa windows sya tumatakbo..aru! niyari na naman itong WINO$.

Visit: http://www.transend.com/

kaya eto..sa linux ko nalang ulit binanatan tulad ng mga ginagawa kong mga projects.
salamat "LINUX"..sa panahong ito itong si "imapsync" at NITIX/MS exchange IMAP protocol/services yung mga katulong ko para gawin yung project.

FOR NITIX BLUE (RH base OS)
Eto yung lugar kung saan ako nag dodownload ng mga packages.
Hmmm..ipadownload ko nga sa OJT naming para may mirror na ako sa office.

ftp://fr.rpmfind.net/linux/redhat/9/en/os/i386/RedHat/RPMS/

bago ang lahat kailangang iinstall ko muna itong mga packages na ito..waaaah..ang dami.
Make
Gcc
cpp-3.2.2-5.i386.rpm
Glibc-devel
kernel headers
syslinux-2.00-4.i386.rpm

TAPOS ITONG MGA PERL MODULES.

http://search.cpan.org/

Mail::IMAPClient
Digest::MD5
Term::ReadKey
IO:Socket:SSL.pm

For the SYNC to ginamit ko yung linux na imapsync na tinatawag.
http://www.linux-france.org/prj/imapsync/dist/

verify kung kumpleto lahat ng perl modules ko.
perl -c imapsync

tapos install ko na sya.
Uskgn this command after nag ma extract ko yung install using “tar” command.
Make install

Pagkatapos..eto na yung command para maglipat ng mga emails.

imapsync --host1 --authmech1=LOGIN --user1 --passfile1 --host2 --authmech2=LOGIN --user2 --passfile2 &

SUCCESS!

Wednesday, June 27, 2007

Biyaheng Iloilo

Siguro sa dami dami narin ng biyaheng narating ko sa labas at loob ng bansa. Itong biyahe ko sa Iloilo yung isa sa hindi ko makakalimutan pagbibiyahe. mga magagandang bagay na nangyari at may mga dir in makakalimutang experyensa habang bumibiyahe. Eh kasi ba naman sa airport palang tama naman sa oras ang dating naming..pero napagsarahan kami. Kasi hindi na raw aabot..dahil yung na print naming ticket eh credit card daw ang bayad..at hindi na raw nila tinatangap yung ganun..nakakapagtaka eh..kasi para saan pa yung niprint naming na nagbibigay ng information tungkol sa aming ticket na binaran ng isang kaibigan at client naming. Hay! 1-zero sa katatawanan. At syempre dahil sa nangyari..kailangan mag pa rebook kami ng flight at kailangan makipagusap sa ticketing system…makalipas at ilang oras naayos din..alas kwatro na yung alis naming. Ang korni! Na move at kailangan pang mag taxi muna pabalik sa pasig. 2-zero. Samatalang sarap ng sakay naming sa aming VIOS at hinatid pa kami ni Erwin nung umangang iyon. Nakakatawa din..kasi yung hinatid kami ni Erwin wala kaming tulog nun dahil sa naginuman kami dahil meeting ng Dekada yung gabing bago kasi umalis..tung sa IN or OUT yung miting at maganda naman yung kinalabasan. 3-zero (lasing at tsongong puyat kami). pag dating sa Iloilo..ayun..lagare sa trabaho setup ng mga solution na inorder sa amin ng client namin. Ang sarap ng feeling kasi champion at wa;ang nagging hassle sa deployment kaya nung unang gabi. Nilibre kami ng isang magandang hapunan sa isang thai resto sa SMALL VILLE sa Iloilo. Daming pagkain..salamat sir John sa inyong pagaaruga sa amin. Mabuhay po kayo! Ayun..ibalik ko lang sa kailan…sarap na..kaya lang..medyo mapakamot ako ng matikman ko yung isang putaheng ALIMANGO na niserve sa harap naming...ang ganda ng itsura..pero yung tinikman ko..nangati yung buong dila ko at bumantot yung mesa..SIRA kasi yung sipit…oo..parang bulok..buti nalagn di ko pa nalulunok at mabilis kong nailuwa yung pagkain at nakapagmumog ng beer. =) na 4-zero ako dun.

Yung oras na para kami ay bumalik ng manila,isang hindi makakalimutang ekperyensa din yung paghatid sa amin sa airport bukod sa yung sasakyang fortuner eh tumatakbo ng 160kph eh sakto lang yung pagdating naming sa airport as in..SAKTONG SAKTO…kaya lang ang nakakatuwa eh pagdating sa loob ng eroplano eh dinala ako sa likod dahil yung UPUAN nakalagay sa ticket ko eh may kaparehas. AYUS! HI-TECH…ang galing ng ticketing system. Biro mo iyon sa daming biyeheng naranasan ko na eh ngayon lang ako nagkaroon ng kaparehong ticket at upuan. Ang saya! Naranasan nyo na rin ba ang mga ganitong pangyayari?

Wednesday, June 20, 2007

Konting Aliw

Lately, sobrang napagod ata yung team namin. Ako kasi pagod na pagod ako..bikod sa recording na ginawa namin para sa Dekada. May mga projects pang kasabayan iyon sa 8layer naman. Mga installation ng tinatawag naming NITIX program, Deployment ng mga customize na solution pati asterisk na ngayo’y lalo akong nag eenjoy lalo’t pat iyon na yung gamit naming ngayon sa aming opis. Sa wakes! Dati pa kasi itong plano pero tangal at alis dahil sa mga problema sa hardare at mga kung ano ano pang mga kadahilanan.

Kaya ngayon, ginagwa ko nalang para maaliw yung sarili ko.
Minamakesure ko na walang gabi akong hindi nagaaral. ENJOY EH! Sarap magbasa ng mga bagaybagay..ngayon bumababad ako sa mga libro ng asterisk.

Tapos, kasabay ng pagaaral. Paulit ulit kong pinapakingan din yung mga kanta nicompose naming sa dekada. Iba kasi yung feeling pag kanta mo na yung pinakikingan mo. Iba ang ORIG! dami kasi dyan..kopya di lang sa music..kahit sa IT. Content nga sa web kopya lang tapos papalitan lang yung pangalan ng orihinal na gumawa ng pangalan nila..ewan ko ba..bat may mga ganung company simpleng bagay..di magawa.

Minsan naman, binabalik balikan ko yung mga picture na pinagkukuha ko kung saan saan..mga kuha sa GIG ng dekada,ensayo, picture ng mga mahal sa buhay at picture ng mga aktibidades sa 8layer. Nananariwa kasi yung mga pangyayari pag nakikita ko yung mga larawan. Minsan yung mga dating download naman yung pinapanood ko..tulad ng SBC at kwentong superfriends ni maritess..hehehe

Kayo? Paano nyo inaaliw yung sarili nyo? Pag pagod kayo?

Wednesday, June 13, 2007

What makes the 8layer Team cool and calm under pressure?

Simple. MUSIC & IT.

Yes. 8layer has sponsored to initiate and produce a live recording and compile the songs to make an album to be released this year. The group De Kada (some members of which are also from 8layer) has been formed just to share a glimpse of our passion. The group started to write a few tunes about anything after work, go to a friend’s house at Roxas to do some raw recording. Until one time, we started to record demos for our own delight and listening. At one point some of our musically inclined friends encouraged us to produce the music on our own and share the same to other people.

For the 8layer Team, leading an IT line of work and profession demands pressure, time, serious and tough thinking most of the times.

And having music (though we take music seriously as well) in our life makes everyday more pleasing, harmonious and gives us a perspective of life being itself a challenge with essence.

BEING. IT, MUSIC, & COLLABORATION & INNOVATION.

Like our values for IT, our music is also founded on collaboration and innovation.

The de’ kada profile and its members:

Dé Kada believes in music and work collaboration. The product of their music is a harmony that blends the intrinsic qualities of each member not a part but as one.

They’d like to be known as Innovative Filipino Music Composers. Coming out with their own Album this Year, “Munting Paraiso”

Their brand is a Fusion of Filipino and World Music Sound with a touch and influence of Blues, Ballad, Jazz, Pop, Reggae and Ska.

Members:

Erwin Galang

ERWIN

Arranger and Keyboardist

  • Music Influence: Blues.
  • Had been Keyboardist and Session Artist for a lot of Bands like
    • Brown Beat All Star; Reggae Mistress ; Badjao Roots; Tropical Depression

Deng Silorio

DENG

Vocalist, Lyricist and Composer

  • Music Influence Blues, Jazz and World Music
  • Had been in singing groups in her college and high school days
    • Had been a member of the group called Patatag in the late 80’s and early part of 90’s and had been a UP Concert Chorus Trainee

Ey-Ar Calambakal

EY-AR

Vocalist, Lyricist and Composer

  • Erwin, Deng and Ey-ar had been in singing together in the group called Patatag in the late 80’s and early part of 90’s

Meric Mara

MERIC

Manager, Lyricist and Composer

  • Meric is the Group’s very promising lyricist and composer; most of the songs in the album are his original compositions which are musically enhanced by the group; His music influence is mainly on broadway musicale and other musicale pieces.
  • Btw, he’s an AUTHORITY when it comes to LINUX.

Eleazar I. Cal

SHOXZ

Guitarist, Back-up Vocals

  • Shoxz in his early 20’s is a Guitar enthusiast but also plays a lot of musical instruments. A Combo Major and also a midi arranger.
  • Sings at KASAL and DEBUT (W/ "CHALK"),CLUB INDIOS, SYNCOPADO, KUBOOZE BAR (W/ "MUZIKAHIJA")

Lazer De Guzman

SARO

Lead Guitarist

  • Saro is also among the young blood in the group. Has displayed his skills in redhorse musiclaban 2001 (alpha records), jam sessions( BMG records)

Paul B. Reburiano

PAUL

Bassist

  • The soft spoken bass guitar player has been touring with some bands for the last decade; 1999 renaisance garden legaspi city,200 palance inn hotel bahrain,2001 ritz palace hotel u.a.e 2006 hauf brauhaus jianyin china

Dindo Tajonera

DINDO

Saxophone Player

  • Dindo with his sax will lure you. He has played with bands like Put3Ska; Ding Malazo Orchestra

Lester Capistrano
UTOY

Trumpet Player

  • Quiet but watch out for Lester. Our trumpet player who have been with the company of brownbeat allstars & angono national symphonic band

Ronaldo Banaag

NALDO

Trombone Player

  • Naldo was able to hone his skills with the following group: angono youth band, angono concert band, pasig city band, taguig city band, agaw agimat, Ding Malazo orchestra, UP college of music, brownbeat, neighbors

Jaymer Hernandez

J-MER

Drummer/ Percussionist

  • Jaymer, a musician from Angono, Rizal, took up diploma in music major in percussion in the university of the phil diliman. He became a member of manila youth symphony orchestra and manila symphony orchestra II. He was also a former member of Angono national symphonic band, which was formed by the late maestro lucio san pedro, and the rizal provincial capitol band. Jaymer is one of the founding members of the ska band Neighbors and became a part of the brownbeat all-stars. Jaymer is now a drums teacher at music wizard, angono.

Dé Kada

Phone: 706.05.01

Mobile: 0920.905.1716

Address: Unit 218 AIC –Burgundy Tower, ADB Ave. cor Garnet Rd. Ortigas Center, Pasig

Website: http://dekada.8layertech.com

Si Insan Avegail

Kanina habang nag dodownload ako ng bagong version ng SCALIX na iiimplement namin sa isang client/kaibigan sa cagayan de oro. Medyo nabasa basa ako ng mga emails ko..nakita ko yung email sa akin ni tito oscar (si tito oscar yugn bunsong kapatid nila papa) nakita ko na inimail nya pala sa akin yung mga email address ng tita nene ko at ng isang pinsan kong si avegail.

Nung makailan kasi galing ako ng zambales kasi nakiramay kami sa pagkamatay ng isang lola naming na si lola indo. Medyo malunkot pero ang magandang nangyari naman eh nagkaroon ng maliit na pagkakataon na mag kikita an gaming mga lahi..reunion.

Tapos iyon nga..habang naghihintay matapos yung ndinodownload ko nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang aking pinsan..sa chat! (yaiks chat..di ako chatter..pero syempre sa pagkasabik na makausap muli ang aking pinsan) di nag chikahan na kami. Konting kamustahan lang naman.Nakakatuwa kasi isa na syang magandang dalaga..este dala na (oo kasi nagasawa na sya ng isang Cambodian si “Ty”)

I’m so happy para sa pinsan kong ito. Sa AIRFORCE sya nagwowork sa KOREA at mga ilang sandali nalang din eh..lilipad at mamumuhay (di ako sure) na sya sa ENGLAND.

Sana dumating agad yung panahon na magkita kita ulit kaming mag pipinsan..inuman tulad yung huling ginawa naming sa PADIS sa QC yung huling umuwi sila galing America. LASINGAN ULIT! tsaka syempre..kung mangyari si avegail ang magluluto =) hehehe. Teka..Sila ryan/karen/byron/tintin at mga anak ni tito Rene kaya? Wala din kasi akong balita na sa kanila.

Saturday, June 02, 2007

ICE 4 SALE

Bata palang ako. hilig ko na ang pag sulat. S katunayan marami na rin akong mga naisulat at ito ay kumita na rin. Naalala ko tuloy yung mga sinulat ko na kumita talaga. eto yung isa.

"ICE 4 SALE"

*thanks allan ah sa text/sms na ito.

Monday, May 28, 2007

8Layer passing the Linksys Partner Connection Program


With Team 8Layer passing the Linksys Partner Connection Program on May 22, 2007, the team joins the elite Linksys Connected Partner. We take our hats off to Meric Mara, Deng Silorio, Erwin Galang, Jaja del Rosario and Benjie Requiron for a job well done. This feat makes 8Layer the first, and currently, the only, LVS 9000 Authorized and Value Added Reseller for Linksys Voice System (LVS) in the Philippines.

Linksys, a division of Cisco Systems, Inc., a global industry leader which carries voice and network solutions to service SOHOs and SMEs has just added the LVS on their award-winning products.

The LVS is a VoIP-enabled multi-line telephony system without the high cost of employing an IP-PBX network. This feature, along with Linksys’s focus to “establish a fast, highly reliable and secure network infrastructure”, has made 8Layer unwaveringly pursue the LVS 9000 Authorization since this is aligned with the team’s commitment on helping SMEs obtain a competitive edge in their industry.

8Layer, in achieving the LVS 9000 Authorized status in the Linksys Partner Connection Program, can now provide LVS to end users complemented with the team’s brand of qualified service and support.

Again, well done Team 8Layer!

Friday, May 18, 2007

BREAKING NEWS

BREAKING NEWS ! Exclusive Photos of First Filipina reaching Mt. Everest



BREAKING NEWS ! Exclusive Photos of First Filipina reaching Mt. Everest



talo si pacquiao!


Tuesday, May 15, 2007

Book of Job

naalala ko itong "book of job" nalaman ko lang kasi itong istorya na ito dahil sa dating kaibigan.
nagsilbing kalakasan ko kasi ito ng mga panahong sobrang kapos at labis labis ang aking mga pangangailangan. konti konting inaaral at isinasabuhay itong munting aral.

lumipas ang panahon, yung taong nag share sa akin nito eh hindi ko maintindihan kung naiintindihan nya yung halaga ng istorya na ito. kung ang mga lumalabas ba sa kanyang bibig ay sya nyang ipinamumuhay. sana..sana..sana..sana marinig nya ang sarili nya.
iyong kasi ang unang hakbang ng katapangan sa buhay. pag naririnig mo ang sinasabi mo magiging mag makabuluhan ang iyong sarili. tapos dun mo na matututunan yung tama at mali.
tapos papasok na yung tinatawag na paninindigan. di ka kasi pwedeng atras abante sa buhay.
pag mali ka..mali ka..MATUTO NG MABILIS..pag tama ka..tama ka..hindi pwedeng mali na na tama ka pa. kasi pag ganun...tatamaan ka.

lagi ko ngang ishinishare sa mga kasama ko sa office. walang taong walang problema.
pero gamitin ang problema para lalong lumakas sa hamon ng buhay. pag nakita mo sya na isang problema..yari ka..lalo na pag dinagdagan mo pa sya ng isa pang problema..mas yari ka.
gamitin mo sya dapat para maging iyong kalakasan...pero dapat..makatotohanan. di bumabata ang tao..tumatanda at dapat makita natin iyon..bawat oras at araw na kapabayaan...magsisilbing kasiraan at kahinaan.

============
Author: The Book of Job does not specifically name its author. The most likely candidates are Job, Elihu, Moses and Solomon.

Date of Writing: The date of the authorship of the Book of Job would go in connection with the author of the Book of Job. If Moses was the author, the date would be around 1440 B.C. If Solomon was the author, the date would be around 950 B.C.

Purpose of Writing: The Book of Job helps us to understand the following: Satan cannot bring financial and physical destruction upon us unless it is by God's permission. God has power over what Satan can and cannot do. It is beyond our human ability to understand the "why's" behind all the suffering in the world. The wicked will receive their just dues. We cannot always blame our suffering and sin on our lifestyles. Suffering may sometimes be allowed in our lives to purify, test, teach or strengthen the soul. God remains enough, deserves and requests our love and praise in all circumstances of life.

Key Verses: Job 1:1, "In the land of Uz there lived a man whose name was Job. This man was blameless and upright; he feared God and shunned evil."
Job 1:21, "Naked I came from my mother's womb, and naked I will depart. The LORD gave and the LORD has taken away; may the name of the LORD be praised."
Job 38:1-2, "Then the LORD answered Job out of the storm. He said, 'Who is this that darkens my counsel with words without knowledge?'"
Job 42:5-6, "My ears had heard of you but now my eyes have seen you. Therefore I despise myself and repent in dust and ashes."

Brief Summary: Why do the righteous suffer? This is the question raised after Job loses his family, his wealth, and his health. Job's 3 friends, Eliphaz, Bildad and Zophar, come to comfort him and to discuss his crushing series of tragedies. They insist his suffering is punishment for sin in his life. Job, though, remains devoted to God through all of this and contends that his life has not been one of sin. A fourth man, Elihu, tells Job he needs to humble himself and submit to God's use of trials to purify his life. Finally, Job questions God Himself and learns valuable lessons about the sovereignty of God and his need to totally trust in the Lord. Job is then restored to health, happiness and prosperity beyond his earlier state.

Practical Application: Don't get angry at God. Use problems to strengthen your character and bring glory to God. Refuse to be proud. Do you feel like God has left you to face your problems alone? Trust God to work in your life day by day. Let God be your source of security.

http://www.gotquestions.org/Book-of-Job.html

Monday, May 14, 2007

Para kay nanay!

Ang bilis ng panahon, kailan lang eh inaalagaan ako ni “nanay” pag pumapasok si mama at si papa sa opisina. Si nanay din ang nagtuturo sa aking gumawa ng sumang “moron”, mag luto ng ampao,maglupak at magtanim sa bakuran.

Si nanay nga pala: yung lola ko na nanay ng mama ko. Lumaki kasi kaming nana yang tawag sa kanya.

Sya rin ang nagbabasa ng biblia sa amin pag sapit ng gabi. Sya yung aming lider sa pagdadasal habang nakaluhod sa altar at may hawak na rosario.

Pag may mga libreang oras kami sa tanghali, sya yung nag iinspeksyon ng mga ulo naming para tingnan or kutkutin yung mga ulo naming dahil sa lisa….kasi naman mga batang araw kami nung bata pa kami. Habang nagpapatulog magsisimula na sya mag kweto at mangaral sa amin.

Naalala ko yung mga pangaral nya sa akin.
Sabi nya bata pa daw ako,wag ko daw mamadaliin ang mundo.

Maraming beses kang magkakamali pero wag kang sumuko sa pagtuwid ng mga kamalian upang lalong maging matatag. Maghanap ng mga tunay na kaibigan.

Sabi ko nga, madali lang naman makipagkaibigan. Minsan ka sabi ko nga sa kanya, dib a nay madali lang naman makipagkaibigan? nakikipagpalitan lagn ako ng baong klim sa eskwelahan eh nagkakakaibigan na ako.

“hay bata ka pa nga” konti lang ang kaibigan. Pahalagahan mo sila.

Maging maingat sa bawat sitwasyon. Matutunan ang tinatawag na mali at tama.
Kasi maramign nakapaligid sa atin ang ika nya ay nabubuhay na sa mundo ng kamalian. Di na nila alam ang tama at mali, sila ang mga klasing tao na lagging nagmamatuwid. Mga bulag sa katotohanan, malalantik ang mga dila na animoy angle na di nagkakamali. Minsan sa pagtatakip gagamit pa ng mga bagay bagay na may relasyon sa dyos mga bagay bagay na pinantatakip sa tunay na kabulukan ng pagkatao.


Nung nawala nga si “tatay” (ang aking lolo) labis ang aming pagdadalamhati. Pero si nanay nakita ko ang halimbawa ng isang matatag na puso. Tahimik at kitang kita sa kanyang mga mata ang tapang at tunay na pag ibig sa aking tatay.

Ngayon 30 years old na ako. Namimiss ko si nanay. Di ko na sya nakakausap ng mga ganun usapan tulad ng kabataan ko at kalakasan nya. Kakabirthday nya nitong nakaraan byernes. Di ko pa sya nakakausap ng personal. Pero ipinangako sa kanya na sa susunod na lingo kasama sila mama. Lalabas at mamamasyal kami. Kakain kami sa labas ng masasarap na pagkain.

Tama si nanay! Tama sya sa kanyang mga kwento at pangaral. Ngayon ko na naiintindihan. Malinaw. Napakahalaga. pati nga yung mga kwentong agimat o mga bertud ay isa palang katotohanan. Di nga lang sya napupulot o nakukuha sa kung saang bulalakaw at mga puso ng saging. Ang tunay na agimat o bertud ng buhay ay ang pamumuhay ng mapayapa at matuwid sa pamamagitan ng tunay na pagkakakilanlan sa sarili. Ang makatulog ka ng mahimbing ng walang naaapakan. Alam mo kung kailangan humingi ng despensa dahil sa kamalian. Hindi iyong magsasalita ka sa tono na parang ikaw pa ang makatuwiran.


Para kay nanay: nay maraming salamat pos a inyo matuwid na pagpapalaki sa amin. Maraming salamat pos a mga natutunan kong mga aral nung akoy bata pa sa inyong piling. Di kop o ito malilimutan . sya po ang isa sa aking sandata sa hamon buhay.
Magiingat po kayo lagi at miss ko nap o kayo. Maging matatag po tayo!

HELE: para sa mga nanay.

Natatandaan ko yung ginawa kong kanta yung pamagat ay “HELE” I can’t wait na marinig na sya sa istasyon ng radio. Isa ito sa pinaka paborito kong kanta na ginawa ko at ito ay para sa aking anak. Isa syang lullaby. Bagay din ito sa mga nanay na balak nilang patulugin at kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagaalay ng awit na galing sa puso. Speaking of nanay….Happy Mothers Day sa mga nanay! tapos ingat na din kayo pala sa pagboto bukas.

Hele

May akda: Meric

Sa gabing anong tahimik
Hangin ay umiihip
Bituin sa langit
Ngiti ang syang hatid

Buwan na kay rikit
Dumudungaw sa pagidlip
Sa mukha mong maakit

Alay itong himig

Lala..la

Huni sa paligid
Musika ang tinig
Ikaw ang panaginip
galak ang syang batid

Lala..la

Awit ng pag-ibig
Yakapin mo sa bisig
Itaimtim at Ihilig
Damdamin ang Bigkis

Lala..la (3x)

Himbing na.

Maraming salamat nga pala kay deng sa kanyang pagbibigay ng napakagandang hustisya sa kantang ito. Salamat din sa pag areglo. Mabuhay ka!

Saturday, May 12, 2007

re: IMPORTANT NOTICE for OUR strict implementation


From: Deng Silorio
Subject: re: IMPORTANT NOTICE for OUR strict implementation


Dear All:

Among others, 8layer is a family and is a team involved in revolutionizing IT in the Philippines. This is one of OUR main thrust and with this comes a very huge responsibility, discipline and maturity.

We have made a few mistakes in the past, thus, Management carries with it a perspective on filtering people/ organizations to deal with and communicate to propagate our Principles and Beliefs in a manner that is essential, vital and in ESSENCE with DIGNITY and SINCERITY.

Further, Management strictly enforces guidelines and policies intermittently for us to never GO astray from our thrust and vision.

This time, we forbid EVERYONE to communicate in ANY WAY with MR. RODEL P. HIPOLITO (he is now involved with some legal issues that 8layer shall confer against him). If this is something that is difficult for someone at 8layer to do, please approach us. Likewise, Mr. Hipolito is not welcome to step at our office premises.


Thank you very much and we appreciate everyone’s cooperation.

DENG

Monday, May 07, 2007

FLICKR

http://www.flickr.com/photos/8224839@N08/

ayus din palang upload ng mga picture sa internet.
para dun sa nagtatanong kung ano na raw itsura ko, o kung patpatin pa din ba ako tulad ng college at high school.

Check nyo nalang sa URL na nasa itaas. Di ko na kayo masasagot isa isa sa dami ng ginagawa ko.
linux..linux..linux..

Saturday, May 05, 2007

The Sun Beams at 8Layer



8Layer Technologies, Inc., on its 3nd year, has taken another step to further strengthen the bond within. On April 28-30, the key movers of 8Layer went to Sunbeam Marine Sports Resorts in Anilao, Batangas—the sun, the sea and the sands of summer bearing witness to the group’s hard-earned reward.

Apart from enjoying the weekend, the group also learned from CEO Meric Mara who reiterated the group’s unique approach and methodology making the company a force to reckon with when it comes to Open Source technology. He briefly discussed the company’s vision to collaborate not only with IT practitioners but also reach out to the people and educate them about the value of IT, especially Open Source.

But, he further stressed, to be an effective and efficient IT organization, each member of the team should first seek to involve one’s self in the company’s goals and objectives. To which he added that understanding and imbibing the 8Layer philosophy is also a key before one can successfully take part in the company’s processes—one of them being meeting and exceeding partners’ and clients’ expectations.

From here, COO Deng Silorio guided the group in assessing each team member’s tasks and KRAs which the group took in as an appetizer before they eventually went to taste what Anilao, the diving paradise, has to offer. However, a day was not enough to truly experience the fishes, the corals and the reefs but the group did have nice memories (and bruises!) to bring home.

The 8Layer bonding weekend, as any other flitting happy moment, ended while the sun was beaming with a promise: this will surely happen again. Of course, it will! As Deng puts it, team building is a process.


Anilao is just a pit stop.


Ehrr, just not slipping on the docks says Roz and Karen. And making a “short” cut to Lemery, right Eman?




note: si jajakol yung gumawa ng article na ito. ja, maraming salamat.

Tuesday, May 01, 2007

The name Gideon means "Destroyer", "Mighty warrior" or "Feller (of trees)"

Naaalala ko kasi minsan nagturo at nasalita ako sa mga taga 8layer. Part ng tinatawag namin knowledge sharing yung tungkol sa ano ba ang 8layer? Tapos diniskas ko din dun yugn tinatawag na kultura yung corporate strategies at kung ano ano pa tulad ng process/CMMI mga produkto naming na inooffer sa clients at kung paano ba ito tingnan o paano ito sa mata ng kliyente. Madaming magagandang salita.

Sana madami silang natutunan dun. Sa totoo lang...ang success talaga ng isang bagay eh wala sa mga nakalatag sa documento processo at kung ano pa..ang magic talaga eh nasa execution. Parang isang BANDA sa musika. Ika nga..(natutunan ko ito kay Erwin habang nagcoconduct kami ng konti teambuilding nung nag a-outing kami sa batangas) na kung gusto mo matawag na magaling na banda..kukuha ka dapat ng mga magagaling sa iba ibang instrumento..hindi puro magagaling ka keybordista. Pang nanagyari kasi iyon..magiging maganda na ang tunog ng musika...at ayun ang magic!

“Making IT happen” is another issue. Kailangan kasi pag nagsama sama kayo..dapat ma make sure lang na laging may output. Or else, bat pa kayo nagsama sama.

Kaya nga pag nakakita ka ng ganung tao (KADUGO AT KAPEREHAS MO). Matuwa ka..dahil bibihira lang..ako masaya ako ngayon..kasi nakita ko na yung mga “TUNAY” na kasama ko sa bakbakan…KOKONTI LANG KAMI!..maraming kliyente/kaibigan at mga ang natutuwa at nagpapasalamat. Marami na kasing nanlokong kaibigan..gagamitin ka lang pag kailangan pag nakuha na nila yung gusto nila..at may mga gusto silang gawin..di lingid sa iyong kaalaman..nagawa na..problema na..kaya IINGAT DIN KAYO!

Ika nga..Fail faster, succeed sooner!

Napaguusapan din lang naman yung pelikulang 300. ishare ko na din itong istorya ni GIDEON, pinahanga din ako ng pangyayari sa buhay nya.

Check this URL http://en.wikipedia.org/wiki/Gideon_(Judges)