Lately, sobrang napagod ata yung team namin. Ako kasi pagod na pagod ako..bikod sa recording na ginawa namin para sa Dekada. May mga projects pang kasabayan iyon sa 8layer naman. Mga installation ng tinatawag naming NITIX program, Deployment ng mga customize na solution pati asterisk na ngayo’y lalo akong nag eenjoy lalo’t pat iyon na yung gamit naming ngayon sa aming opis. Sa wakes! Dati pa kasi itong plano pero tangal at alis dahil sa mga problema sa hardare at mga kung ano ano pang mga kadahilanan.
Kaya ngayon, ginagwa ko nalang para maaliw yung sarili ko.
Minamakesure ko na walang gabi akong hindi nagaaral. ENJOY EH! Sarap magbasa ng mga bagaybagay..ngayon bumababad ako sa mga libro ng asterisk.
Tapos, kasabay ng pagaaral. Paulit ulit kong pinapakingan din yung mga kanta nicompose naming sa dekada. Iba kasi yung feeling pag kanta mo na yung pinakikingan mo. Iba ang ORIG! dami kasi dyan..kopya di lang sa music..kahit sa IT. Content nga sa web kopya lang tapos papalitan lang yung pangalan ng orihinal na gumawa ng pangalan nila..ewan ko ba..bat may mga ganung company simpleng bagay..di magawa.
Minsan naman, binabalik balikan ko yung mga picture na pinagkukuha ko kung saan saan..mga kuha sa GIG ng dekada,ensayo, picture ng mga mahal sa buhay at picture ng mga aktibidades sa 8layer. Nananariwa kasi yung mga pangyayari pag nakikita ko yung mga larawan. Minsan yung mga dating download naman yung pinapanood ko..tulad ng SBC at kwentong superfriends ni maritess..hehehe
Kayo? Paano nyo inaaliw yung sarili nyo? Pag pagod kayo?
No comments:
Post a Comment