Wednesday, June 27, 2007

Biyaheng Iloilo

Siguro sa dami dami narin ng biyaheng narating ko sa labas at loob ng bansa. Itong biyahe ko sa Iloilo yung isa sa hindi ko makakalimutan pagbibiyahe. mga magagandang bagay na nangyari at may mga dir in makakalimutang experyensa habang bumibiyahe. Eh kasi ba naman sa airport palang tama naman sa oras ang dating naming..pero napagsarahan kami. Kasi hindi na raw aabot..dahil yung na print naming ticket eh credit card daw ang bayad..at hindi na raw nila tinatangap yung ganun..nakakapagtaka eh..kasi para saan pa yung niprint naming na nagbibigay ng information tungkol sa aming ticket na binaran ng isang kaibigan at client naming. Hay! 1-zero sa katatawanan. At syempre dahil sa nangyari..kailangan mag pa rebook kami ng flight at kailangan makipagusap sa ticketing system…makalipas at ilang oras naayos din..alas kwatro na yung alis naming. Ang korni! Na move at kailangan pang mag taxi muna pabalik sa pasig. 2-zero. Samatalang sarap ng sakay naming sa aming VIOS at hinatid pa kami ni Erwin nung umangang iyon. Nakakatawa din..kasi yung hinatid kami ni Erwin wala kaming tulog nun dahil sa naginuman kami dahil meeting ng Dekada yung gabing bago kasi umalis..tung sa IN or OUT yung miting at maganda naman yung kinalabasan. 3-zero (lasing at tsongong puyat kami). pag dating sa Iloilo..ayun..lagare sa trabaho setup ng mga solution na inorder sa amin ng client namin. Ang sarap ng feeling kasi champion at wa;ang nagging hassle sa deployment kaya nung unang gabi. Nilibre kami ng isang magandang hapunan sa isang thai resto sa SMALL VILLE sa Iloilo. Daming pagkain..salamat sir John sa inyong pagaaruga sa amin. Mabuhay po kayo! Ayun..ibalik ko lang sa kailan…sarap na..kaya lang..medyo mapakamot ako ng matikman ko yung isang putaheng ALIMANGO na niserve sa harap naming...ang ganda ng itsura..pero yung tinikman ko..nangati yung buong dila ko at bumantot yung mesa..SIRA kasi yung sipit…oo..parang bulok..buti nalagn di ko pa nalulunok at mabilis kong nailuwa yung pagkain at nakapagmumog ng beer. =) na 4-zero ako dun.

Yung oras na para kami ay bumalik ng manila,isang hindi makakalimutang ekperyensa din yung paghatid sa amin sa airport bukod sa yung sasakyang fortuner eh tumatakbo ng 160kph eh sakto lang yung pagdating naming sa airport as in..SAKTONG SAKTO…kaya lang ang nakakatuwa eh pagdating sa loob ng eroplano eh dinala ako sa likod dahil yung UPUAN nakalagay sa ticket ko eh may kaparehas. AYUS! HI-TECH…ang galing ng ticketing system. Biro mo iyon sa daming biyeheng naranasan ko na eh ngayon lang ako nagkaroon ng kaparehong ticket at upuan. Ang saya! Naranasan nyo na rin ba ang mga ganitong pangyayari?

No comments: