Monday, May 14, 2007

HELE: para sa mga nanay.

Natatandaan ko yung ginawa kong kanta yung pamagat ay “HELE” I can’t wait na marinig na sya sa istasyon ng radio. Isa ito sa pinaka paborito kong kanta na ginawa ko at ito ay para sa aking anak. Isa syang lullaby. Bagay din ito sa mga nanay na balak nilang patulugin at kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagaalay ng awit na galing sa puso. Speaking of nanay….Happy Mothers Day sa mga nanay! tapos ingat na din kayo pala sa pagboto bukas.

Hele

May akda: Meric

Sa gabing anong tahimik
Hangin ay umiihip
Bituin sa langit
Ngiti ang syang hatid

Buwan na kay rikit
Dumudungaw sa pagidlip
Sa mukha mong maakit

Alay itong himig

Lala..la

Huni sa paligid
Musika ang tinig
Ikaw ang panaginip
galak ang syang batid

Lala..la

Awit ng pag-ibig
Yakapin mo sa bisig
Itaimtim at Ihilig
Damdamin ang Bigkis

Lala..la (3x)

Himbing na.

Maraming salamat nga pala kay deng sa kanyang pagbibigay ng napakagandang hustisya sa kantang ito. Salamat din sa pag areglo. Mabuhay ka!

No comments: