Ang bilis ng panahon, kailan lang eh inaalagaan ako ni “nanay” pag pumapasok si mama at si papa sa opisina. Si nanay din ang nagtuturo sa aking gumawa ng sumang “moron”, mag luto ng ampao,maglupak at magtanim sa bakuran.
Si nanay nga pala: yung lola ko na nanay ng mama ko. Lumaki kasi kaming nana yang tawag sa kanya.
Sya rin ang nagbabasa ng biblia sa amin pag sapit ng gabi. Sya yung aming lider sa pagdadasal habang nakaluhod sa altar at may hawak na rosario.
Pag may mga libreang oras kami sa tanghali, sya yung nag iinspeksyon ng mga ulo naming para tingnan or kutkutin yung mga ulo naming dahil sa lisa….kasi naman mga batang araw kami nung bata pa kami. Habang nagpapatulog magsisimula na sya mag kweto at mangaral sa amin.
Naalala ko yung mga pangaral nya sa akin.
Sabi nya bata pa daw ako,wag ko daw mamadaliin ang mundo.
Maraming beses kang magkakamali pero wag kang sumuko sa pagtuwid ng mga kamalian upang lalong maging matatag. Maghanap ng mga tunay na kaibigan.
Sabi ko nga, madali lang naman makipagkaibigan. Minsan ka sabi ko nga sa kanya, dib a nay madali lang naman makipagkaibigan? nakikipagpalitan lagn ako ng baong klim sa eskwelahan eh nagkakakaibigan na ako.
“hay bata ka pa nga” konti lang ang kaibigan. Pahalagahan mo sila.
Maging maingat sa bawat sitwasyon. Matutunan ang tinatawag na mali at tama.
Kasi maramign nakapaligid sa atin ang ika nya ay nabubuhay na sa mundo ng kamalian. Di na nila alam ang tama at mali, sila ang mga klasing tao na lagging nagmamatuwid. Mga bulag sa katotohanan, malalantik ang mga dila na animoy angle na di nagkakamali. Minsan sa pagtatakip gagamit pa ng mga bagay bagay na may relasyon sa dyos mga bagay bagay na pinantatakip sa tunay na kabulukan ng pagkatao.
Nung nawala nga si “tatay” (ang aking lolo) labis ang aming pagdadalamhati. Pero si nanay nakita ko ang halimbawa ng isang matatag na puso. Tahimik at kitang kita sa kanyang mga mata ang tapang at tunay na pag ibig sa aking tatay.
Ngayon 30 years old na ako. Namimiss ko si nanay. Di ko na sya nakakausap ng mga ganun usapan tulad ng kabataan ko at kalakasan nya. Kakabirthday nya nitong nakaraan byernes. Di ko pa sya nakakausap ng personal. Pero ipinangako sa kanya na sa susunod na lingo kasama sila mama. Lalabas at mamamasyal kami. Kakain kami sa labas ng masasarap na pagkain.
Tama si nanay! Tama sya sa kanyang mga kwento at pangaral. Ngayon ko na naiintindihan. Malinaw. Napakahalaga. pati nga yung mga kwentong agimat o mga bertud ay isa palang katotohanan. Di nga lang sya napupulot o nakukuha sa kung saang bulalakaw at mga puso ng saging. Ang tunay na agimat o bertud ng buhay ay ang pamumuhay ng mapayapa at matuwid sa pamamagitan ng tunay na pagkakakilanlan sa sarili. Ang makatulog ka ng mahimbing ng walang naaapakan. Alam mo kung kailangan humingi ng despensa dahil sa kamalian. Hindi iyong magsasalita ka sa tono na parang ikaw pa ang makatuwiran.
Para kay nanay: nay maraming salamat pos a inyo matuwid na pagpapalaki sa amin. Maraming salamat pos a mga natutunan kong mga aral nung akoy bata pa sa inyong piling. Di kop o ito malilimutan . sya po ang isa sa aking sandata sa hamon buhay.
Magiingat po kayo lagi at miss ko nap o kayo. Maging matatag po tayo!
No comments:
Post a Comment