Isa sa mga hamon ng Pilipino ay ang kakulangan sa tunay na paggalang at kolaborasyon. May ilan na inuuna ang sariling ambisyon, handang manira o mag-traydor kahit sa tumulong sa kanila. Nakakatuwa't nakakainis minsan—hihintayin muna nilang magkamali bago magka-courtesy, hindi dahil sa tunay na pagsisisi, kundi para lang mabigyan ng bagong pagkakataon. Parang may kasabihang, “Kung kailan sablay, saka magpapakumbaba.”
Ang ganitong asal ay nagpapakita ng mababaw na pag-unawa sa respeto at malasakit. Mahirap intindihin kung paano nila natutulog nang mahimbing, dala ang istilong ito ng "damage control." Panahon nang ibalik ang tamang asal—ang respeto ay dapat kusa at totoo. Sa halip na maghilahan pababa, dapat itaguyod ang malasakit at integridad. Tandaan, mas malaki ang tagumpay kapag nagtutulungan kaysa kanya-kanya.
No comments:
Post a Comment