Tuesday, December 17, 2024

kung saan may linaw, may halaga, at may saysay

Naalala ko itong kanta ni Manong Gary na Kung Ayaw Mo Na Sa Akin, ika nga sa una't huling linyahan.

Kung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko
....
Kung ayaw mo na sa akin
Masakit man ang totoo
Kung talagang ayaw mo na sa akin
Ayaw ko na rin sa iyo

Hindi lahat ng bagay tugma—sa pag-ibig, proyekto, o organisasyon. Minsan, kailangan tanggapin ang totoo at bitawan ang hindi para sa atin. Sa pag-ibig, pagpapalaya ang sagot kung hindi na masaya or respeto sa sarili, 'wag isiksik ang sarili sa ayaw sa iyo. Sa proyekto, huwag ipilit kung walang linaw; mas mainam ilaan ang oras sa tamang direksyon. Sa mga samahan, hindi lahat ng tao o ideya swak, pero laging may espasyo para sa bagong simula.

Ang hindi pagkakatugma ay hindi kabiguan. Ito ay pagkakataon para mag-focus sa mga bagay na may halaga at magbukas ng pinto sa mas makabuluhang kwento. Kung hindi tayo match, ayos lang—ang mahalaga, tuloy ang galaw, tuloy ang buhay. Tandaan lang natin,Kung hindi tayo tugma, huwag ipilit. Ang tamang koneksyon ay darating sa tamang oras—kung saan may linaw, may halaga, at may saysay.

No comments: