Friday, July 27, 2007

Liwanag sa basement 2

Umaga na ako natapos sa work ko kanina ..as in 5am…ang sakit na kasi ng mata ko at naramdaman ko na yung antok dahil tatlong araw din akong sunod sunod na walang tulog halos…pero ang “magandang balita” natapos ko naman yung isang project para sa isang client naming…ang project WEBFAX (web based na solution sa pag sesend at pagrereceive ng fax messages)..ang gang ng feeling..success..di ko pa nga naidodocument ng maayos..kaya yung unang post ko..puro package installation palang. Anyway…ayun tapos na din. Salamat kay allan sa pagtulong sa akin sa PHP ng solution na ito.

Re: documentation tatapusin ko muna ng maayos bago I post dito sa blog ko ulit.

Ayun matapos na madeploy yung project..at sumalubong sa lakas ng ulan..baha…at matinding trapiko. Nakarating na din kami sa office..sa Basement 2 kami naka park.
tapos sa harap ng elevator habbang naghihintay..di naming maisawang pagusapan yung project pati yung inarrange ni chox na “HELE” para sa ilalabas naming na album..pero ilang sandali nalang ay bumukas yung elevator..sobrang liwanag..para kang nasa kalangitan. Biglang may lumabas na isang ate at isang mamatang matanda..habanga lumalabas yung matanda sa elevator..hi ko sya matitigan sa liwanag..dahan dahan syang lumabas ng elevator..kasabay ng dahang dahang pagdilim din ng kapaligiran..habang lumalayo yung matandang lalake..eh padilim na ng padilim ang paligid….yung medyo malayo na sya sa amin..bigla kong narealize na kaya pala ganun ang mga nangyari o mga pangyayari..ISA PALA SYANG PANOT..ang kintab ng tuktok ng ulo na nya..na labis kang masisilaw! At talagang mababatukan mo yung katabi mo at sisigaw ka ng malakas na PEACE!

"PANOT" lang pala..kala ko nakasalubong ko si harry potter tapos nag "Lumos Maxima" sya.

….Ay o sya..nakalimutan ko..may donat pala ako sa bulsa ng jacket ko.
Kainin ko na muna!

No comments: