Friday, July 20, 2007

KAMKAMIN BA NAMAN?

Medyo naipit ako sa mga Gawain opisina ngayon, pero nakakaexcite kasi magaganda yung mga projects ko ngayon at mga tunay na nandirigma yung mga kasama ko sa office..wala na yung mga taong di alam kung saan papanig o walang bayag sa paninindigan na ang alam lang lagi silagn matuwid. Anyway…balik sa aking kwento..OO..medyo busy talaga sa trabaho..lalo na sa pag aaral ng “ASTERISK”..medyo malayo layo narin yung natutunan ko muna na simulan ko syang tutukan…kakaiba yung mga project deployments at sa awa ng dyos at sa supporta ng mga tunay na nagmamahal..NAGAGAWA KO NAMAN YUNG PROJECT NG MAAYOS.. Minsan kung may mga konting konting panahon nakakalabas pa naman tulad nun isang araw na inimbihahan kami ng isang GERMAN friend ni Erwin na lumabas sa baywalk at sa Gilmore sa music lounge para mag kwentuhan at uminom ng konti. Ayus naman mga bagong istorya ng buhay mga bagaong kakilala mga bagong masasyahing mga tao na patas at masisigasig gumanap sa buhay..walang inaapakan.

Minsan kasi isa sa obserbasyon ko..pag malapit at kaibigan mo yung tao..iyon pa minsan yung inaabuso ng mga taong mahihina kasi lagi nalang na parang maiintindihan ka naman….patuloy kang inaapakan na minsan di nila alam na ganun nap ala ka grabe yung ginagawa nila..kasi nga nakasanayan na nila kaya din a nila nasusukat at tunay na tama at mali. Itetext ka pa nga minsan at magtatanong..ANONG KASALANAN KO??? …IM just cooking fish…cooking fish..Aquaman..COOKING FISH!!!…hehehe!!!

Namiss ko tuloy gumawa ng tula. Pero kahit pa ganoon..naniniwala akong magbabago ang lahat..sabi nga no Rom..hindi PULA’t DILAW tunay na magkalaban…paara sa akin ang tunay na kalaban ng isang nilalang ay ang sarili nya..lagi lang tatanungin kung nahigitan ba nya yung mga nagawa nya kahapon..kumpara sa ngayon? Ako ganun…di nga ako masaya pag minsan ang sagot ko..masmagaling ako kahapon..hehehe..oo dumadating din minsan yung ganun..lalo na pag pagod,puyat at maysakit ka.

Eto nga gusto kong ishare yung isang tulang nagawa ko lang kanina.
Tuloy tuloy lang yung pagsulat ko..na para bang lumalabas yung mga salita at lettra ng walang hinto habang nagtatype sa keyboard ng aking laptop.

Pamagat ng tula: Kakamkamin ba naman?

kakamkamin ba naman salita ng mamang hukluban
mga bagay ay sa kanya ipinauubaya ngunit tahasang tinanggihan
gagawa ng mga kalokohan hussler sa talikuran
walang tapang humarap pag tinanong “trip ko lang”.

Laging tama at matuwid kanyang kinalalagyan
Di mo pwedeng salagin kundi tepok ka lang.
Kunyari makikinig sa mga tunay na pangaralan
Pero duduraan ka pag wala ka na sa iyong harapan.

Okay lang naman, walang kaso iyan.
Darating ang panahon, sa entabalado ng katarungan
Haharap ang bawat isa nang wala ng paliwanagan.
Ikaw ba ang tunay na matuwid o nag mamatuwid tuwiranan lamang?

Iyon ang hukom, sukatan ng katauhan
Uungkatin ang ating mga damdamin kung ito ba’y makatotohanan
Kung nagsisilbing manggagamit, di na natin maiiwasan
Lalo’t na’t pag gumagamit ang “banal na pangalan” sa kahunghangan.

Kamkammin ba naman?Kamankamin ba naman?
Bahala na ang katotohanan na papalo sa ating isipan
Iiiyak ng duguan puso sa “kamkamin” na salitaan.
Ngunit LULUTANG sa huling sandali ang TUNAY na katotohanan.

May Akda:
Meric B. Mara
July 20,2007

No comments: