Friday, March 06, 2009

wala sa hulog

Nag-imbita si Sir Gerry ng biglaang meeting para sa araw na ito.
natuwa lang ako,dahil sa matagal tagal din namin hindi nakakausap ulit itong Sir namin na ito.
isa pa ay ganitong mga klaseng tema ng mga aktibidades ang feeling ko eh relax ako.

-biglaan na meeting ngunit may temang technical
-may masasarap na pag-kain =) salamat sir gerry sa lunch!
-at nag de-define yung next steps patungkol sa project
-may bonus pang mga kwentong na singit at kulitan.

KASALUKUYANG SULIRANIN:
Sa araw kasi na ito, ang bigat ng pakiramdam ko at masakit ang ulo ko. Sa madaling sabi,malinaw na wala ako sa hulog ngayon.

Dagdagan pa natin na yung personal na "external driv"e ko na seagate na 320GB ay tuluyan ng nagloko o nasira na. (sinisubukan ko pa ding marecover). dagdagan pa natin ang ilang client at partner kuno na tila di makaintindi ng salitang "simple" at patuloy na umaaksaya ng aming oras na alam naman nilang hindi namin afford ang mga ganun. buti nalang sa parteng ito eh mahaba ang pisi na naibalato ng aking Ina at naituro para maging sandata sa mga ganitong pag-kakataon.

PANG-ALIW NA GAWAIN:
kaya eto,tutal alasais na ng hapon naiisip ko nalang ayusin ang subwoofer ng aking lenovo y510 na may ubuntu na OS.

#vim /etc/modprobe.d/alsa-base

tapos inilagay ko lang sa huli ng file ito,tapos save at restart ng ubuntu:

options snd-hda-intel model=lenovo-ms7195-dig

ANG TULA:
naisip ko na din sumulat ng maliit na tula na syang pangako ko sa aking sarili sa tuwing nakakaramdam ako ng mga ganitong sitwasyong hindi ako makapanilawa. (yung ibang tula ko sa notebook,minsan sa laptop ko nalang isinusulat)

Wala sa hulog
ni meric b. mara
March 6,2009
sa harap ng laptop,sa aking mesa sa opis. na walang aircon ngayon. este kahapon pa!

timpladang tablado
nadaramang walang bago
sa tuwing may maling abiso
nawawala sa wisyo

nag-aaliw sa musika
nag-iisip ng timplada
katulong ang teknolohiya
alam kong babawi na

mga taong masiba
patuloy na mang-gigiba
sa kanila lahat ay wala
basta ikaw ay maluma

nag-aaliw sa tula
sakit ay tila bula
darating ang hiwaga
kahit sa hulog ay wala

2 comments:

bogs said...

BANG!!!...I LIKE THIS ONE...ang galing tol!!!!

bogs said...

BANG!...I LIKE THIS ONE...ANG GALING TOL!!!