Minsan ang sitwasyon alam mo kung ano ang problema... pero ang mas masaklap at mas matinding problema mas madalas e yong walang nag-iisip ng solusyon o kung may solusyon na sana, wala namang umaaksyon... problema ba yon?
USAPANG ASTERISK:
Kahapon kasi, matapos kong idownload ang HTML version ng 2nd Edition ng TFOT at gamit ang wget command.
wget -mk -np http://astbook.asteriskdocs.org/en/2nd_Edition/
naligaw ako sa website ng digium. tapos binasa ko yung timatawag na "culture" nila.
eto quote ko lang: "Digium employees find an added joy in their work knowing that they are pioneering this revolution. The Digium offices are filled with innovative problem-solvers in every department, not just in engineering, because fresh thought has been key to Digium's success from the very beginning"
http://www.digium.com/en/company/careers/culture.php
Ewan ko ba? wala naman akong experience mag work sa kanila. kung baga yung asterisk project lang nila ang madalas kong nalalaro at yung mga TDM card at yung digital card nila na nandito sa office. pero sobra kong nararamdaman yung kultura na ikinukwento nila. sa totoo kasi, ganun din kasi ang isa sa pinangarap kong kultura. kulturang hindi ko sasabihing solusyon na sumali ako sa mala digium na kumpanya...kung baga, dapat may ganung kultura sa ating bansa. bansang tumatawag nilang "developing nation". ngunit kayang sabihin higit sa lahat e "PROBLEM SOLVER" kami..mga hinayupak kayo!
OO. kulturang kung saan mataas yung tinatawag na pagiging "problem solver".
ANG PERSONAL NA OBSERBASYON AT KOMENTO:
Madami dami kasing mga kumpanya na nadaanan ko at naranasan ko na ding magtayo ng kumpanya dati bago pa itong 8layertech-opensource architect na tinatawag ko. madalas-dalas, madaming nakakaalam ng usapin o isyung kumpanya.
1. may mga talagang nag-aalisan dahil hindi daw gusto ang management o yung mga kasama.
2. umaalis dahil hindi daw sila bayad o kulang ang bayad.
3. umalis kasi masarap na magtrabaho daw sa ibang bansa.
4. may mga tinutungtungan ang mga kalakasan o minsan kahinaan para wag ng maging parte ng solusyon.
5.at madami pang dahilan o kadahilanan.
sa madaling sabi,ganun kasimple ang pag-solve ng problema para sa kanila.
madalas ang nakikita kong parte ng mga solusyon na ay may nagrereklamo,sumasagot at nagpapaliwanag...ito ang mga lagi unang-una sa listahan sa pangangatuwiran kung bat may prolema... at don lamang iikot yon. Paikot-ikot.
may mga nakikita din akong ALAM NA ALAM "DAW" NILA ANG PROBLEMA.
kaya ngang isulat sa sampung pahina ng yellow paper ang rationale o kung san nanggaling ang isyu o problema.
ngunit tsatsamba ka talaga, sa iilan na aalamin at gagawa ng SOLUSYON.
at sobrang wala sa sampung daliri ko ang naiintidihan ang pagganap o pag-gawa sa tinatawag na "AGARANG" SOLUSYON.
Pahabol para sa mga madaming Pulikito: PARA SA INYO DIN ITO...kayo pa..kayo nga ang una sa listahan ng mga ganitong sitwasyon.
ang nakakaalam ng problema, ngunit huli o wala sa pag-aksyon ng problema. PERO ALAM na ALAM NYO ang problema...(di kahit kailan mawawala sa inyo ito, kaya nga kayo tumakbo at nagpahalal e)
magaling daw tayong mga Pilipino sa planuhan, mahabang usapan at planuhan ulit... pero pag aksyon at resulta na, nabubura na ang mga tinta sa planong naisulat.
ako alam ko ang problema ko ngayon... alam ko rin ang solusyon... aaksyonan ko na lang... bahala ng magalit sila o sumama ang loob sa akin... ang mahalaga di ko lang alam ang problema, parte ako ng solusyon...
may mga natutunan nga ako sa mga usaping matatanda: sa isang problema, napakadaming pwedeng solusyon. ngunit isa ang pinaka "THE BEST" na solusyon at diskarte...kung ano ito???....ay "ANG MAGING PARTE KA NG SOLUSYON".
basta laging tatandaan..ang pinakamasakit na nangyayari sa atin at sa ating organisasyon o samahan eh, yung di ka na nga naging parte na solusyon...naging problema ka pa....sa madaling sabi..puro ka isip....at ubos oras. pero iyon pala ay "WALA..WALA..WALA".
No comments:
Post a Comment