Sunday, September 28, 2008

Sabado at Linggo

ngayong araw ng linggo naisip kong matagal tagal ko na din hindi nabuksan pala itong aking eeepc, marahil dahil nitong mga nagdaang panahon at lagi kasing yung lenovo ko na sira yung cdrom ngayon ang aking laging ginagamit sa mga presentation at sa paglalaro ng asterisk. kaya nga laking gulat ko ng bukas ko itong eeepc at ang open office-writer ko,may isang tula palang akong ginagawa at sinumulang isulat noong august 27, 2008 isang buwan na ang nakakalipas. ang pamagat ng tula ay PENE: panaghoy at engkwentro sa nanggugulong engkanto.

eto yung tula..

PENE: panaghoy at engkwentro sa nanggugulong engkanto
may akda: meric mara

ang kuto at lisa ng lipunan di mo talaga maiiwasan
kati sa inang anit higit na sakit ng sankalupaan
maingay sa daan,walang laman ang pantalan
eksenang maihahanintulad sa “pene” ng sandaigdigan

buyo dito buyo duon ang kanyang nagsisillbing libangan
walang sapat na pagiisip at mabababaw ang mga kadahilanan
di naman makaporma sa tunay na bakbakan
bagkos tiklop tuhod sa matipuno at usapang matuwiran

mapapailing, magigising at sisigaw ang damdamin
di papayagan ang bulok na patuloy na suliranin
armas ang panaghoy sa mataimtim na laban natin
matiyagang susupilin ang bukol sa ating lupain

walang topak o tupaz ang magsisilbing galing
sa naghihikahos na bayan at dito'y sasaling
gagabaan ang syang mag piling magaling
lalo't walang programa sa mga susunod na supling.

tuloy ang kwento...kahapon sabado bago magtakimsilim, sa gitna ang aking pagpapahinga at panonood ng telebisyon ay pumukaw sa akin ang dalawang canvas at ang mga hindi tapos na proyekto ko o pinipinta. nahinto kasi ang mga ito dahil naubusan ako ng acrylic na gamit sa pagpipinta ilang buwan na din ang nakakalipas. kaya kanila sa national bookstore sa may quezon ave. bumuli ako ng ilang pampinta ko (tatlong kahel at isang bughaw na tinta). medyo nagtaas lang ng presyo dahil noong huling bili ko at nasa 65 pesos lang ang isa kumpara sa 87 esos na ngayon...mahal na din pala ang pagpipinta. tinatarget kong matapos itong mga ito ngayong week na darating, uunti untiin ko hanggang matapos sya at maisabit na sa dingding upang maging kagaanan sa panahong pagod at balisa.

kung dati ay isang oras ko lang naipinta yung mga penguin na nasa opisina, ngayon ay bibigyan ko ng konting panahon itong mga bagong pinagkakaabalahan at susubukan kong magpinta na mala abstruct na madaming kumbinansyon o iba ibang stoke na dapat nag output nito ay reflective sa mundo ng 8liens o paglilinux o mundo ng opensource. sa madaling sabi goodluck sa akin =)

"race day" ngayon sa singapore. wag kalimutang panoorin kaunaunahang race day sa singapore at sabi nga nila "the world's first formula 1 night race".

http://www.singaporegp.sg/
http://www.formula1.com/

Singapore Grand Prix qualifying results:
1. Felipe Massa, Brazil, Ferrari, 1 minute, 44.801 seconds.
2. Lewis Hamilton, Britain, McLaren, 1:45.465.
3. Kimi Raikkonen, Finland, Ferrari, 1:45.617.
4. Robert Kubica, Poland, BMW, 1:45.779.
5. Heikki Kovalainen, Finland, McLaren, 1:45.873.
6. Nick Heidfeld, Germany, BMW, 1:45.964.
7. Sebastian Vettel, Germany, Toro Rosso, 1:46.244.
8. Timo Glock, Germany, Toyota, 1:46.328.
9. Nico Rosberg, Germany, Williams, 1:46.611.
10. Kazuki Nakajima, Japan, Williams, 1:47.547.

sayang at wala sa pangsampung posisyon yung isa sa paborito kong driver si "alonso" na pang labing lima ngayon.

dating gawi...kay kimi ang bet ko.

No comments: