Saturday, September 27, 2008

isang tasang tsokolate

natuloy ang inuman kagabi sa conspiracy. buti nalang at may service kaming innova =). dating gawi, ngunit ang tumutugtog nung gabing iyon ay sila bayang barrios at mike villegas. maganda ang mga musika na kahit ba tila kokonti lang ang tao sa buong lugar, lutang na lutang ang pag kukumpulan ng aming grupo sa harap at sa bandang kanan ng entablado. di din makakalimutan ang mga usaping "dawdaw" mga pangontra at paraan ng paghawak ng baso na dinemo pa ni henyo. nagbalik tanaw din tuloy ang istorya nung bata paako na patungkol kay joseph enaje. pati ang pagpila nila henyo at nilda nung sila ay elementarya at ang batang na-ihe ay di din napalampas.
di din napipigilan ang mga usaping "server features" at usapang ano ang ingles ng "sitaw" at "ampalaya"? yung patungkol sa sitaw ang clue ni roz gingamit sa girata hehehe =)

nakakatuwang din isipin na sa lalim ng gabi at sa saliw ng musika ay hindi malilimutan o mawawala ang pagsunod nila alex (mabuting kabiyak ng aming kaibigang si rosa) at humabol din si raymond ng IBM kasama ang kanyang kapatid na tila humahangos pa dahil sa layo ng kanyang pinanggalingan..sa urdaneta. ilang beer ang dumaan sa mesa, sanmiguel at red horse, dalawang bilaong pulutan na sinawsawan pa masasayang kwentuhan at malalakas na tawanan.

sayang nga lang at ang inaasam kong "isang tasang tsokolate" ay hindi nangyari. =(

No comments: