Sa aking mga libreng oras, lagi ko minamake sure na may nababasa ako at nakakagawa ako ng mga bagay bagay patungkol sa aking work, madalas nasa online ako para magtingin tingin at magbasa basang mga kaganapan sa IT lately eto sa dalaang site ako bumababad [1]free software magazine,[2] cioinsight.
May mga books din ako lagi sa likod g red car na vios namin para pag mahahabang biyahe nakakabasa basa din ako, lately kasi madami dami din akong biniling book sa BOOKSALE.. oo sa BOOKSALE dati kasi pumupunta lang ako dun para bumili ng mga paborito kong magazine pero lately puro books naman yung nakukuha o nabibili ko.
Kamakailan lang, nakakuha ako ng books re: Redhat Enterprise,MySQL,Advance PHP,QMAIL and guide sa LPI certification. yung mga books na ito eh nag ra-range sa 300 to 500 pesos; magandang presyo kumpara kung bibili ako sa national bookstore o amazon na mahigit sa libo ang aking magagastos. kaya lang syempre tsambahan yung mga books na makukuha mo.Katulad kanina yung dumaan ako sa BOOKSALE sa SM WEST wala na akong mapiling books o di ko trip bilhin bukod sa puro microsoft yung title yung iba naman eh patungkol sa design like photoshop o flash na sya namang hindi pa ang interest ko ngayon, yung iba naman eh mga CISCO na books.
kaya balik ako bilang mangangalkal ng magazine, nakakatuwa lang kasi.. this time marami akong nakakal na patungkol sa LINUX..ayus! LINUX MAGAZINE na dec 2007 issue pero 20 pesos lang meron ding february 2008 edition n 33 pesos at isang inux journal Dec 2007 ISsUE 164 na halagang 90pesos
ngayon, medyo bababad na muna ako sa mga ito...tamang tama pag umebs ako =)
kaya kayo, kung tulad ko na bukod sa maraming e-books na koleksyon at babasahing hard copy, kung may konti kayong panahon bumusita lang sa booksale o mga kaparehang tindahan nito, malay nyo makakuha din kayo ng mga ilang babasahin na makakatulong o dagdaga kaalaman sa munting presyo lamang...laging tatandaan hindi kailangan mahal o magastos para madagdagan ang kaalaman..sipag at diskarte lang magandang puhunan na.
PAHABOL: HAPPY BIRTHDAY KONGKONG! nitong May 23 kasi bertday ng kapatid ko na Linux girl naman.
1. http://www.freesoftwaremagazine.com/
2. http://www.cioinsight.com
No comments:
Post a Comment