Mahigit sampung taon na akong nag tatrabaho sa larangan pinili ko ang “IT”. nakita ko na rin ang layo at bilis ng IT mula sa nang panahong nag tuturbo C at wordstar ako (OO ito ang mga unang gingamit ko nung nag aaral ako bago ako tuluyang mag linux) mula sa ngayong may mga tinatawag ng on-demand..autonomic at mga laruang clustering at virtualization na uso. malayo na ang nilakbay....
sa kabila ng layo nito , iilan palang dito sa pinas talaga ang nakakaintindi at nakakagamit ng teknolohiya ng tama? mapakatulad naming nagbibigay ng serbisyo o maging panig man ng binibigyan ng serbisyo. mga ilang obserbasyon marahil ang bibigyan ko ng mga kadahilanan na masarap iugnay sa isyu ng “laptop”.
OO, laptop. halimbawa isa kang “IT expert at IT consultant ngunit di mo kayang bumili ng laptop. Nagtitipid ka ba o sadyang sa dami mong prioridad di mo kayang bumili, o dahil ayaw mong bumili, may nagpahiram sa yo at ayun, tuwang tuwa ka na lang, IT Expert ka na...
Ito marahil ang isa sa mga sakit na malakas at pag hatak paibaba ng antas ng teknolohiya.
marami kasing sa ating mga Filipino (IT consutant daw) may ugaling mapag-angkin..kesyo proud tayong mag sabi na may LAPTOP TAYO at itutugma ito at proud na tayong mag sasabi na CONSULTANT NA TAYO,sa mga baguhan ng computer..nakakalinlang at IT EXPERT na itatawag sa atin...ngunit wala naman talagang kayang ipamalas o magpatibay...at ang masakit.hindi pa pala natin pag-aari ang laptop. IT consultant ang itatawag sa atin, ngunit ang kaexpertuhan naman kung hindi friendster ay yahoo messenger. ganun ang katotohanan! madaming mapagbalat kayo, masakit man isipin parte ito ng tinatawag na “LINISIN” ng mga tunay na nagpapahalaga sa larangan.
TATAK PILIPINO, madalas kasi mahilig ang “iba” sa atin sa tatak o “label” ngunit yung kaakibat na mga alituntunin hindi iniintindi o hindi lang talaga naintindihan, iresponsable. mahilig gumamit ng salita na parang ganun ganun nalang at walang respeto dito tulad ng “IT EXPERT”,”CFO” “Security Expert” or “MAY- ARI” ng isang company na kung sa susukatin, kapos...kaya madaming nadadamay at napeperwisyo.
walang pinagkaiba sa doctor na hindi marunong mag reseta
walang pinagkaiba sa lawyer na hindi marunong gumawa ng demand letter
walang pag kakaiba sa mga taong nag sasabi “IT Expert o IT consultant” na hindi marunong mag program at ang masakit, walang “sariling” laptop.
mga kwento..kabulaanan o katotohanan?..sa huli..sa tunay na giyera o larangan.. may mga ganitong klaseng nilalang pala, at dyan tayong lahat mag-iingat, ako nga natanso, sila pala'y salot at matinding kabalakidan ng kaunlaran.
3 comments:
meron po kayong pinroyekto dati... yung Kawing-Kawing Linux... tapos sa may bandang huli, may "Other Project Notes"... mukang naging bigo kayo dun sa last entry na big letters...
pasensya..kasi mahirap mag turo talaga kung ang tuturuan eh mag sisimula palang mag program. =)
pero, salamat sa pag papaaala mo ng kawing kawing na project na ito...pag nag ka time ng konti...i-start ulit natin, tamang tama sa mga nasimulang presentation na ginawa ko at nipakita ke jasper at inimail ko na file sa developers natin yung re: "LFS" linux from scratch at mga dapat tandaan sa mag huhubog ng isang OS katulad nito.
muli..maraming salamat!
ayan, nadagdagan ako ng asaynment. muka ngang masaya to.
btw, on second thought, applicable pa rin pala yung "Other Project Notes" to read as:
"Turuan ng Leksyon si Rodel."
Gawin din daw big letters, sabi ni Nilda. Pero gang quotation marks lang ako e. =)
Post a Comment