Kahit wala ka na, palagi ka naming naiisip—at habang nandito kami, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal namin sa’yo, Ma Mely Mara.
Maligayang Kaarawan, Mahal kong Ina
Meric Mara
October 29, 2024
Kahit na wala ka na sa aming piling,
Sa bawat umaga’y yakap mo'y dama,
Sa puso’t isipan, ikaw ay kasama.
Sa langit ka na ngayo'y namamahinga,
Sa piling ng Diyos, walang pangamba.
Dalangin ko'y ligaya sa’yong tahanan,
Pag-ibig namin ay di matitinag kailanman.
Ang mga aral mo'y baon namin lagi,
Gabay sa landas kahit saan kami magawi.
Hanggang sa muli, sa iyong piling tatahan,
Pagmamahal namin ay walang hanggan.
No comments:
Post a Comment