Wednesday, September 18, 2024

Twister Game

Sa aming pagbisita sa Childhaus, ipinakilala namin ang "Twister Game"—isang masayang laro na may twist mat, spinner board, at mga simpleng panuto. Kitang-kita sa mga ngiti ng mga pasyente ang kasiyahan na tila pumapawi sa kanilang lungkot, dala ng kanilang karamdaman.

Ang maging bahagi ng pagpapawala ng kanilang lungkot ay walang kapantay. Sobrang saya, lalo na’t sinabayan pa namin ng dance-off! Iba ang saya nang makipaglaro kami sa mga magulang at mga bata—punong-puno ng tawa, galaw, at twist!





Ang sarap ulitin! 


No comments: