Thursday, September 16, 2010

We are humbled to be one of the SFD 2009 Competition Big Winners.

Sa Sabado nang darating, ika-18 ng Setiembre ang pagdaraos ng Software Freedom Day Celebration 2010.

Ngayon araw, paroot parito, kaliwat kanan pa rin ang mga kailangang gawin at matapos upang maluwalhatit tunay na masaya ang pagdiriwang na magaganap.

Kung kaya't kaninang umaga, laking mangha, gulat at tuwa namin nang matanggap namin sa email ang isang liham na naglalakip na ang idinaos na Software Freedom Day Celebration noong nakaraang taon ay isang sa premyadong pagdiriwang, bukod tangi sa mga maraming nagsipagdiwang din ng selebrasyon kasabay ng buong mundo.Dalawa pang grupong Pinoy din ang ginawaran ng komendasyon. http://www.softwarefreedomday.org/en/competition/winners-2009

Hindi lamang amin ang karangalang ito. Ang aming Team 8lien ay nagpasinaya lamang at naging kasangkapan upang hikayatin din ang iba upang isakatuparan ang isang natatanging advocacy. Nasa larangan nang teknolohiya ay patuloy na matuto, ang pagkatuto at ang pagpapaunlad ng sarili at ng bayan ng may dignidad, dangal at uminog ito sa pagbibigay ng sarili sa konseptong nakakapagpalaya ang pagbubukas palad.

Ang paghirang sa ating pagganap noong nakaraang taon sa aming palagay ay pagpapatunay lamang na kaya nating mga Pinoy hindi dahil may premyong pinagtatalunan o nakalaan kundi dahil naroon ang tunay na diwa ng pagbibigay,(na magbigay ng ayon at higit, hindi dahil may kapalit), ng pagiging BUKAS, (bukas puso at bukas palad) , at ng pakikipagkapwat, tulungan at ugnayan tungo sa mas matayog na Layon. Ang layuning paigtingin ang esensya at kabutihang dulot ng teknolohiya at kamalayang makapagpapalaya at unlad sa atin bilang isang indibidwal at isang Bayan...

Nag-uumapaw ang aming pasasalamat sa ngalan ng nagsidalo at nakiisa noong isang taon sa mga sumusunod: Systems Plus College Foundation, PLDT, Intel, IBM Phils., IOSN at POSIX. Sana ngayong taon uli? Ang ganang amin ay, sana mas higit ang marating, maabot at tunay na makapabigay laya at unlad sa ating kaisipan, puso at paggawa tungo sa pagpapaunlad at pagbabago. Mabuhay ang SFD, Mabuhay ang SFD.PH2010 Team. Mabuhay ang Diwa ng F/OSS!

. "Walang nawala sa pagbibigay, bagkos ito'y nagpasalin salin pa." 

Heto ang website ng nakaraang taon: http://www.8layertech.com/sfd

At eto ang pagtulong tulungan nating payabungin ngayong Sabado sa University of Baguio, http://www.sfd.ph/

No comments: