Sunday, November 02, 2008

Sa araw ng mga patay

sa panonood ng telebisyon kitang kita na madami pa din ang mga taong hindi papaawat sa pagbisita sa sementeryo ng kani-kanilang mga namaalam sa buhay mapamayaman man o mahirap. simpleng kandila ang dala o pangmarangya man. ngunit sa pag-gugunita at panalingin ay kitang kita at dama ang pag-iisang diwa.

marahil ang iba ay tapos na sa selebrasyon? nariyan kasing madami pa din ang mga ayaw papaawat, ang ibang mga tao ay nagwawaldas na at nagpapalamig sa mga malls yung iba sa sa kanya kanyang paboritong pook pasyalan tulad ng eastwood at metrowalk marahil nag bi-beer at masayang nag kukwentuhan na samantalang yung iba at sabay sabay nag aabaginoong maria at marahan ang pagsisindi ng mga kandila sa harapan ng mga puntod. kanya kanyang buhay...sa araw ng mga patay.

kung ako ang mag kukwento patungkol sa akin.
sobrang payak ng aking pagseselebra, konting dasal at pag-gunita ng mga taong nakasalamuha ko nung panahong buhay sila na na ngayon at wala na..namayapa na...masasayang alala.

tulad ng mga pag-gugupit ng buhok ko noong ako ay bata pa ng aking lolo pasto na talagang makikita mo ang pagtatampo nya pag di sya ang mag-gugupit ng buhok ko.

tulad ng lolo eduardo ko na syang nagturo sa aking magsaka at magtanim; di ko din nakakalimutan ang buntot ng page at mga usapang "mag lolo at mag apo" namin.

tulad ng pag ti-trip namin ng ice candy ang tita cyntia ko sa umaga at bago matulog di ko din malilimutan ang mga pasalubong nyang hamburger tuwing uuwi sya galing sa opisina

at marami pang iba...mga kaibigan..kamag-anak..inaanak..at iba pang mga mahal sa buhay.

pag-gunita...pag-alaala...pag-luha at pag ngiti.
aking mga simpleng gawi sa araw ng undas...

No comments: