Pamangat ng tula: Trabaho
May akda: Meric B. Mara
Araw na ginawa: September 9, 2006
Trabaho lang ng trabaho;kumayod ng kayod kabayo
Lahat ay walang kaso Basta masaya at tama ang ginagawa mo
Hirap ay may mararating;sa hirap ay maysusupling
sa mga hirap na itinanim uulan ang mga gantimpalang magagaling
sa mundong ginagalawan trabaho ay may mga tipo
ibang ibang larangan at may mga manggagantso
kaya sa lugar na ganito ‘maghandang totoo
di mo alam kung sino ang kalaban at kakampi mo
ang trabaho ay labanan ng tunay na magagaling
hindi ito usapan kung tunay kang kaibigang tambing
proteksyon sa sarili at mga taong sa paligid laging ihambing
ang tunay na mahalaga at maging di kalibreng may lambing
sa tunay na pagtatrabaho ingatan din ang sarili mo
wag hayaang malugmok sa mga delikadong tukso
lagyan ng konting balanse ang katawan na puhunan mo
halimbawa ay musika at sports makakatulong na sigurado
trabahong may panalangin iyan ang makapagpahimbing
saliwan pa ng mga taong tunay na matulungin
pagkatuto sa karanasan ay malaking partisipasyon din
umiwas sa mga nadaanang ganid at tunay na tiyakin
trabaho..trabaho..umayos sa trabaho…
kahit mahirap…may matatamo..
tamang kinabukasan sa mga minamahal mo..
tamang trabaho…walang gantso..
No comments:
Post a Comment