Wednesday, September 09, 2020

Tuesday, September 08, 2020

Isang Bansa, Isang Balikatan para sa bagong Pag-asa.

 Salamat Sir Boy Luna! Ayos na ayos!

Sa pinta na ito kitang-kita ang diwa ng pag-kakaisa. Ang Diwa na tayo’y lumalaban para sa bagong pag-asa. Isang maganda bagay ang maki-isa at nakiki-bahagi sa laban natin sa COVID19. Sa tamang pag-kakaisa nagiging ganap ang Bayanihan. At sa Balikatan may madadamang solusyon na ikakaigaya ng Bayan.

Mabuhay po tayo!



Saturday, September 05, 2020

Tuesday, September 01, 2020

Bitcoin Cap

 Regaluhan ko lang sarili ko. 



Sunday, August 30, 2020

Pakikisama

Naalala ko noong bata palang kami na itinuturo na sa amin ng aming mga magulang ang salitaang "pakikisama". Mahalaga ang makipag interaksyon sa mga nasa paligid natin lalo't nasa loob ng ating bakuran. Sa usaping sikolohiya,tuwing maririnig ko ito, ang mga unang pumapasok sa isip ko ay ang mga sumusunod na mga salitang pakikibagay, pakikitungo, at pakikipagkasundo.Kung baga,walang bilangan at walang lamangan.  Gagawa tayo ng sabay-sabay na may unawaan upang magpaunlad ng lugar at mga gawain mag lilinang sa ating kaugalian lalo't higit para mapatibay pa ang relasyon sa kapwa.

Minsan nga pinag-uusapan ito kung nakakabuti ba o nakakasama.Kasi naman may kanya-kanya tayong interpretasyon at mga lusot sa mga usapin. Lalo na kung ang kausap natin ay tamad at sarili lang ang iniisip. Laging gagawa iyan ng dahilan upang i-justify na ang mga maling gawi ay ilalagay na parang tama kahit alam at ramdam  pa ng lahat ang kabuktutan ng aksyon at mga salita ang umiiral.  Dun palang alam mong kapos na ang pag-kakauna ng salitang Pakikisama. Hindi kasi pwedeng nakikisama ka na ang sarili mo lang ang mahalaga .Pakiki-sama nga eh..at hindi "pakiki-sarili" o Sarili lang ang papahalagahan sa usapin. Kasi kung ganun, dapat lang na bumukod at 'wag nakikisalamuha a iba upang hindi nakakasakit ng kapwa.   

Ang pakikisama ay dapat pinapamuhay at minsan magkakamali ngunit dapat ay may mabilis na paraan upang ito'y ituwid.Ito kasi ay repleksyon ng ating behavior o ating mga ugali sa pakikipagkapwa tao. Madalas ang pag-kakamali ay kung bago palang ang ating mga kasama. Kung matagal-tagal na kasi lalo't kaibigan natin, may mga respetuhan na iyan at mas magiging komportable ka. 

Kaya minsan dapat suriin natin ang ating sarili. Kung may mga gusto pa bang makipag-usap sa atin dahil sa uri ng ating pakikisama. Kung medyo wala na, aba'y mag-isip isip tayo at ika nga eh.."No man is an island". Kailangan tayo'y nabubuhay ng progresibo at nakikisama ng tama. 




Saturday, August 29, 2020

Bida, I-Konek mo Launching @Imus Cavite

 













Maralabs: Happy Customer

 


DepEd AksyonAcademy,Walloo and Satellite Demo

 






One Balikatan ID

Gusto nyo ng QRCode System na ito? Yung wala tayong magiging hirap mag fill-out ng form gamit ang ballpen at papel tuwing papasok tayo sa establisment. Scan lang sa QRcode at wapak na! 😂😂😂 kung wala namang mobile, may ID ka ng OneBalikatan na ipapakita mo lang sa establishment at ayun, Pasok ka na din. 

Simple lang naman. Simplehan ang buhay ng mga kababayan natin gamit ang OneBalikatan QRcode system. 


Toys: Mavic Air 2 and Spark



 

Kalmadong gabi.

 Kalmadong gabi.



Ngayon,babawi muna ng kaunting pag-rerelax. Tamang tama may kaunting tira pa ng “Johnnie walker na Red label” na handa ng pataubin. Sa Background naman eh tuloy tuloy lang ang pagtugtog ng “Bossa Nova” playlist sa aming Spotify.
Muni-muni para sa mga kailangang tugunang mga gawain bukas. Medyo nag sisimula na din tumambak. Tama lang ang tahimik na gabi para magbigay ng bagong lakas upang mapagwagian ang mga progresibong gawain. Basta makakatulong,gawin natin lalo’t para sa kapakinabangan ng madami.
Cheers! 🍺🍺🍺

Alay para sa mga kabataan

Alay para sa mga kabataan. 

Nawa’y maging simple ang pag-aaral ninyo ganun din na maging simple para sa inyong mga guro ang paraan para sa pag-tuturo.



Sunday, August 23, 2020

TG89 -- Aalis na si Patty

TG89

Hindi kailan mawawala ang halaga ng barkadahan na dala ng kabataan.
Nakakamiss makasama ang mga tropa..Sayang at hindi natuloy ngayon.Nag ready pa naman ako ng nakakalasing na inumin at masasarap na Putahe at pumutang seafoods. Hindi na din kami nag abot nila Rowena Perez at Patty Pagayunan na 10mins lang ang pagitan ang aming pagkakasalisi.

Ang tema sana ng usapan namin ay patungkol sa pag-alis ng isa naming kaibigan na babalik na sa
Doha (Doha Qatar?,tama ba Patty?).Magandang bagay din...Ikaw nga, good news at tatamimik na din ang Pilipinas. hehehe!

Bale sa susunod na pag-kakataon nalang.


Testing Walloo for Satellite Project


[X] Video Bridging via Sat 

[X] 200 Meters from Sat Station. 

[X] Loud and clear

Happy Boy!
❤️❤️❤️

Pag-hahanda (DepEd Demo)

Ang isang maganda bagay ay magsisimula sa maayos na pag-hahanda. Ika nga,tamang preparasyon. 

Nandito kami ngayon sa Kampo Mara. Nag sesetup ng Satellite katambal ang mga learning tools upang maging tama at ng kaiga-igaya sa mga mag-aaral. Sana pag pagkakataong ito, makapag-aral sila ng maayos. Deserve nila ang matutulo. Sabi ng ating pambansang bayani “Nasa kabataan ang pag-asa ng Bayan”. Pero paano ito mangyayari? Syempre sa ating pagtutulong tulungan.

Kailangang gumanap ng tama ang mga nakaka-unawa upang ang susunod na henerasyon ay makaunawa ng mga dapat maunawaan. Wheeew! 😂😂😂

Kami’y hindi titigil hangang walang konkretong output at maghatid ng impact ang ating mga gawain. 🤘🤘🤘

Kaya, ngayon..simula na muna sa pag-hahanda. Para sa Edukasyon! para sa Bayan! ❤️❤️❤️


Tuesday, August 18, 2020

Thursday, August 13, 2020