Tuesday, August 26, 2025

Panandaliang Porma

 Para sa gung-gong nasi Boang.

Panandaliang Porma Trying hard, pilit ang galaw, Nagpapanggap sa mundong di ka kabahagi ng sayaw. Hinahanap ang aliw na saglit lang tatagal, Basta libre—kahit oras ay masayang dadayo at makikisalo. Sa pormang dala, akala’y sapat, Ngunit bakas sa mata ang kawalan ng saysay. Panandaliang saya, ngunit walang patutunguhan, Oras na sayang, hindi na maibabalik kailanman. Sa huli, sino ba ang niloloko mo? Ang sarili mong puso o ang taong nanonood sa’yo? Pagkatapos ng lahat, matira’y katahimikan— At tanong na: “Sulit ba ang pinili kong landas?”

Friday, June 06, 2025

Nagpasalamat ba sila?


Marami sa atin ang nasanay gumawa ng proyekto para may maipakita. Para sa points. Para sa award. Para mapansin.
Pero ang tunay na tanong ay hindi kung ilang tao ang nakakita, kundi:
May nagpasalamat ba?
Kasi sa dulo, ’di ba, ang sukatan ng totoong pagtulong ay hindi kung ilang litrato ang nakuha, o ilang tropeo ang naiuuwi.
Ang tanong:
•May nabago ba sa buhay nila?
•May nabawasan bang sakit?
•May nadagdagan bang pag-asa?
•May naramdaman ba silang malasakit?
•May nagsabi bang, “Salamat”?
Doon mo malalaman kung totoo ang naging epekto.
Kaya ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko at sa mga kasama ko:
Kung tutulong ka, siguraduhin mong buo ang loob mo. “Pure ang heart” mo sa pag-tulong. Hindi dahil gusto mong mapuri, kundi dahil gusto mong may magbago.
Hindi dahil gusto mong umangat, kundi dahil gusto mong may umahon.
Kapag wala kang natanggap na “thank you,” at nasaktan ka agad — baka may kailangan kang tanungin sa puso mo.
Ginawa mo ba ito para sa kanila?
O para sa sarili mo?
Masakit man minsan, pero ito ang totoo:
Hindi lahat ng tumulong, nakatulong talaga. At hindi lahat ng tahimik, walang ginawa.
Tanungin mo sarili mo ngayon:
Kung walang camera, walang likes, walang parangal — Tutulong ka pa rin ba?

Sunday, May 11, 2025

Kamote-Q

Sa isang distrito kung saan mabilis kumalat ang balita at mas mabilis pa ang hinala, may isang kanto. Sa kantong ito, may isang kawali. At sa kawaling iyon, may isang bagay na piniprito ni Nanay Tsismay araw-araw: Kamote-Q.


Pero hindi ito ordinaryong Kamote-Q.


Sabi nila, kung sino man ang kumagat ng hindi nagtatanong — may tinatamaang alat sa loob.

At ang nakakagat, hindi na nakakabalik sa dati.


Isang hapon, habang naglalakad ang isang pangit na matanda na laging mukhang may alam, naamoy niya ang mantika.


    “Kamote-Q lang ‘yan,” sabi niya, sabay kuha at kagat — walang tanong, walang bayad.


Pero sa unang kagat, napatigil siya.

May lasa itong hindi niya maipaliwanag.

May alat sa gitna ng tamis.

May pait sa ilalim ng asukal.


Tinignan siya ni Nanay Tsismay, sabay sabing:


    “Ang hindi nagtatanong, nauuntog sa sariling katangahan. Minsan, ang pangit ay hindi lang panlabas — kundi paniniwala.”


Napahinto ang matanda.

Hindi dahil sa init ng Kamote-Q.

Kundi dahil sa init ng kahihiyan.


At mula noon, naging palaisipan sa Distrito:


    “Sino ang Kamote-Q ngayon?”


Ang sagot?

Yung unang nagsabi ng “Alam ko na ‘yan,”

…pero ‘di pala alam.


Kung hindi mo pa rin gets?

Subukan mong kumagat — baka ikaw na ang niluluto.


Thursday, May 01, 2025

SK

 Title: SK 

May 1, 2025 


Dahil tayo na,

SK muna pag-usapan

Simpleng kilos lang,

Para chill ang samahan

Walang gulo sa ating dalawa


Bawal ang phone sa loob ng banyo

Paghiniram ko, ‘wag "teka lang" o "wait mo

"Micro cheating? ‘Di ‘yan bagay

Gabi'y tahimik, puso'y walang sablay


‘Wag palitan name sa contacts

‘Yan ang style ng luma, ‘di na swak

Walang perpekto, pero klaro lang

Walang second phone na may ninja plan


[Chorus]

Bigayan at Respetuhan

‘Di kailangang perpekto ‘yan

Sa simpleng kilos, napaparamdam

Gabi’y tahimik, ‘di na kinakabahan


Sa pera, dapat open palagi

Walang bolahan, ‘wag daanin sa shady

Ayusin ang deal, ‘di ‘to pataguan

Dapat pareho sa usapan


[Chorus]

Simpleng kilos, respetuhan

‘Yan ang base ng samahan

Walang perpekto, pero kayang ayusin

Simpleng kilos, para sa gabi'y tahimik


(Ulit)

Simpleng kilos, respetuhan

‘Yan ang base ng samahan

Walang perpekto, pero kayang ayusin

Simpleng kilos, para sa gabi'y tahimik


SK

SK

Simple Kilos lang, kaya ‘yan!


Friday, March 28, 2025

Run free, Chip-chip!

Akala ko ako ang nagtuturo sa kanya — pero si Chip-chip pala ang nagturo sa akin.

Tinuturuan ako ng isang tuta kung paano makinig.

Sa bawat uri ng tahol niya, alam ko na ang ibig sabihin:

Tahol ng gutom, tahol ng lambing, tahol ng sabik, tahol ng gising na 4am dahil gusto na niyang bumaba.
Hindi siya kailanman aakyat ng kwarto — hihintayin niya ako sa pintuan, tapat, matiisin, at palaging naroon.
Naalala ko pa, kumakain ako noon, tapos may marahang kagat sa paa — paalala na gusto rin niyang makisalo.
Habang nanonood ako ng Netflix, tatahimik siyang tatabi sa akin, tila ba naiintindihan ang kwento.
At pag nasa malayo ako, nagpapatawag siya ng video call.
Gustong-gusto niyang marinig ang boses namin.
Sapat na sa kanya iyon — ang maramdaman niyang nariyan kami.
Kapag nagyaya siyang maglaro, siguradong masusugatan ka sa tuwa.
Ang bilis niyang sumagpang, hindi para manakit, kundi para magpakulit.
At kapag tinawag mo siya — “Chipichip-chip!”
Tatakbo siya, magpapakarga, pipikit ang mata,
At tila magsusumbong — dahil na-miss ka niya.
Isang linggo lang ang nakaraan, pinatrim pa namin ang fur niya.
Ang tikas, ang ayos, ang mga mata —
Para bang may sinasabi, may pinaparamdam.
Isang matang kay hirap kalimutan.
Pero dumating ang araw na wala kami. 😭
Tatlong araw sa Pangasinan.
At si Chip-chip… naghihintay. Kumakatok sa pinto araw-araw, akala niya nariyan kami.
Pag-uwi namin, hindi na siya ganoon kasigla.
Sumusuka. Mahina. Takot.
Dinala agad sa vet.
"Parvo," sabi.
“Imo-monitor hanggang Huwebes,” dagdag pa.
Pero ngayong araw, sa halip na paboritong boiled chicken at puppy treats,
ang dinala namin dahil sa ito’y paboroto nya, ito’y natumbasan ng luha dahil sa masamang balita, wala na si Chip-chip.
Hindi kinaya ng katawan niyang maliit, pero napuno ng pagmamahal.
Nag-collapse ang baga. Tumigil ang tahol. Tumigil ang mundo.
Noong unang linggo ng Marso, si Pichi — dahil sa katandaan.
Ngayon, sa huling linggo ng Marso, si Chip-chip.
Dalawang puso, dalawang alaga, dalawang pamilyang di matutumbasan.
Ang bigat sa dibdib,
Ang tahimik ng gabi.
Pero sa puso namin,
Si Chip-chip ay hindi pa rin tumitigil sa pagtahol —
Nagsasabi: “Salamat. Mahal ko kayo.”
Run free, Chip! run free…










Thursday, March 06, 2025

Run Free, Chi!

Every wag of her tail, every playful sprint, and every quiet moment of comfort she gave will forever be treasured.